Reaksyon ni James Yap sa engagement ng ex-wife nito na si Kris Aquino, pinagpiyestahan ng mga netizens. - The Daily Sentry


Reaksyon ni James Yap sa engagement ng ex-wife nito na si Kris Aquino, pinagpiyestahan ng mga netizens.



Naging usap usapan sa social media ang viral engagement ni Kris Aquino, 50 sa kasintahan nitong si Mel Sarmiento, 59 nang kamakailan lang ay ibinahagi nila ang balitang ito sa publiko.

Si Sarmiento ay nanungkulan bilang Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary mula September 2015 hanggang June 2016.




Ito'y sa ilalim noon ng pamumuno ng yumaong kapatid ni Kris na si President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa kainitan ng masayang balitang ito, hindi naiwasang usisain ng mga netizens na alamin ang reaksyon ng PBA star at dating asawa ni Kris na si James Yap.

July 2005 nang ikasal si Kris at James sa isang pribadong seremonya sa bahay ng matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda sa Quezon City.

Kris Aquino and James Yap | Facebook 

Kris Aquino and James Yap | Facebook


Si Bimby Aquino Yap ang naging bunga ng matamis na pagsasama ni Kris at Jamses ngunit matapos ang halos limang taon na pagkakakasal ay naghiwalay ang dalawa.

Inanunsiyo ito ni Kris sa publiko noong June 27 2010 sa dating showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

Ukol naman sa viral engagement nina Kris at Mel ay maiksi lang ang naging pahayag ni James Yap.

"Happy for her [three thumbs up emojis]" saad ni James.

image via pep.ph

Kris Aquino and Mel Sarmiento | Facebook


"We all deserve to be happy, miga. Since Josh and Bimby approve of Mel, I am sure he loves them like his own. I'm glad they are in good hands"

Batid naman na ang kasiyahan ng bawat isa ang mahalaga para sa basketbolista, na ngayon ay tahimik at masayang kasama ang kaniyang partner na si Michela Cazzola.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens:

James Yap and Michelle Cazzola | Facebook

James Yap and Michelle Cazzola | Facebook


"Dapat lang james milyon ang natangay no nong nag annulment kayo yan ang pangkabuhayan mo ngayon na pinakakain mo sa pamilya mo" -Leonila

"Happy for her coz you got richer after the annulment was settled for the no prenuptial agreement before the marriage.I just hope Kris learned from past mistakes and ink that prenuptial agreement before you settle down the second time around." -Tina

"Bakit maraming ampalaya k James yap inaano b nia kau dios MiO marimar" -Elizabeth

"Wag kayung mang husga ng tao,kc wala nman xang ginagawang masama sa inyo,di nio nman alam kung ano naging problema sa mga naging partner ni kris ,sabi nga ng panginoon nung sinabi ng mga tao na c magdalena ay lumapit sa kanya,kung sino ang walang kasalanan cige batuhin nio,so walang bumato kc po lahat po tayo makasalanan.." -Josephine

James Yap | Facebook