Anna Feliciano, tuwang-tuwa na tinanggap ang sorpresang brand new car mula kay Kuya Wil! - The Daily Sentry


Anna Feliciano, tuwang-tuwa na tinanggap ang sorpresang brand new car mula kay Kuya Wil!



Hindi halos makapanaiwala at lubos na kasiyahan ang naramdaman ng long time dancer-choreographer na si Anna Feliciano sa regalong natanggap nito mula kay Willie Revillame.

Sa social media account ng beteranang dancer ay ibinahagi nito ang labis na kagalakan dahil sa sorpresang handog sa kaniya ni kuya Wil na isang bagong pulang sasakyan.




Isa si Anna Feliciano sa pinaka tapat na katrabaho ni Willie Revillame.

Maraming beses man na nahinto ang mga programa nito at nagpalipat lipat man ng istasyon ay nanatiling tapat sa tanyag na host si Anna mula nang makatrabaho niya ito.

Naging makulay man ang karera ni Willie at kahit ano pa mang isyu ang naibato rito ay hindi niya ito iniwan at hindi ibinigay ang serbisyo sa iba kahit pa may mga ibang alok na trabaho para dito.

Anna Feliciano and Willie Revillame

Anna Feliciano


Pag amin ni Anna, dismayado ito dahil sa mismong araw ng kapaskuhan ay mayroong ipinaguutos sa kaniya si Willie.

Ito kasi ang naging daan na sikat na si Kuya Wil upang hindi mahalata ang ibibigay niyang regalo para kay Anna.

"Anna, good morning. saglitan mo muna puntahan ang cherry. may emergency daw sa claim ng nanalo noong 12.12. pakiasikaso mo muna, nandoon si jo siya ang hanapin mo" Pagbibiro daw ng host.

dailyfilipinonews.com

Willie Revillame


At dahil nga hindi inaasahan ang biglaang trabaho sa araw ng pasko ay nakiusap pa si Anna kay Willie.

"Gyd morning kuya. After lunch pa ako makapunta, nandito pa sina April sa house. OK lang po ba?" Wika ni Anna.

At ng mapuntahan ay hindi na malaman ni Anna kung papaano magpapasalamat sa sorpresang regalong natanggap.

"MARAMING SALAMAT KUYA!!! Hindi ko alam ang sasabihin ko but thank you very much!!!!!"

dailyfilipinonews.com


Willie Revillame and Anna Feliciano


"Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag workin in Christmas Day. Yun pala may surpr𝔦se. Thank you very much kuya!! Graveee ang pasabóg mo! Yes kuya, I w𝔦ll never leave the show. Loyal ako sayo, you know that. From Wowowee to Wowow𝔦n, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng craft ko."

"Deserved mo yan anna. christmas gift ko sayo sa mahusay mong trabaho."

Anna Feliciano | Facebook

Anna Feliciano | Facebook