Babae nagalit matapos hindi mapagbigyan sa hiling na ideliver mismo sa kanya ang mga ayuda - The Daily Sentry


Babae nagalit matapos hindi mapagbigyan sa hiling na ideliver mismo sa kanya ang mga ayuda



Viral sa social media ang netizen na nagngangalang Mel Fajardo matapos nitong makiusap at magalit sa may-ari ng community pantry dahil hindi napagbigyan ang kanyang gusto.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post ni Sofia Madrigal, ibinahagi nito ang usapan nila ni Mel na humihingi ng tulong na kung maaari ay mabigyan sila ng ayuda.

Hindi naman tumanggi si Sofia dahil aniya, para sa lahat ang community pantry. Ngunit ang gusto ni Mel ay ipadeliver raw ang 16 packs ng ayuda dahil taga Bicutan raw siya at nasa Alabang naman ang pantry.

Kahit na tila nakakainis na ang pagiging demanding ni Mel ay maayos at gusto pa rin siyang tulungan ni Sofia. Aniya, gagawan niya ng paraan na makumpleto ang 16 packs ngunit madedelay lamang ito.
Photo credit: Sofia Madrigal / Facebook
Photo credit: Sofia Madrigal / Facebook

Nang malaman ni Mel na made-delay ang kanyang ayuda ay nagalit na ito at sinabing, "Tagal!, Mamamatay na kami niyan, wag na lang po salamat na lang."

Kahit ganun ang sinabi ni Mel ay sinagot pa rin siya ni Sofia ng mahinahon at sinabing gagawan ng paraan. Ngunit talagang hindi maganda ang ugali ng netizen.

"Ate community pantry po para yan sa lahat hahaha ano ba yan hindi naman pala kaya sana hindi na lang nag community pantry,” dagdag pa ni Mel na tila nang-iinsulto.
Photo credit: Sofia Madrigal / Facebook
Photo credit: Sofia Madrigal / Facebook

Dito na nagalit si Sofia at pinangaralan si Mel.

ALAM KO PO YUNG COMMUNITY PANTRY PARA SA LAHAT! PERO TRY TO UNDERSTAND PO NA HINDI PO GANUN KADALI YUNG REQUEST NYO NA MAG BIGAY KAMI NG 16 PACKS KASI UNA PO SA LAHAT MAY TARGET PO KAMI NA PAG BIBIGYAN NG MGA RELIEF GOODS. HINDI NAMAN PO PROBLEMA SA AMIN NA I-INSERT KAYO YON NGA LANG PO HINDI ABOT TALAGA SA 16PACKS pero pag sa second batch kahit more than 16 packs kayo po namin,” sabi ni Sofia.

Wg nalang ibigay mo nalang sa dukhang nangangailangan puro ybang hindi naman pala kaya,” sagot naman ni Mel.
Photo credit: Sofia Madrigal / Facebook

Dahil dito ay maraming netizens ang nagalit sa inastang ugali ni Mel.

Sa ngayon ay mayroon ng 3k reactions at 4.2k shares ang post ni Sofia.

Narito ang kanyang buong post:

"Im speechless. PASENSYA KANA ATE HAH HINDI KO ABOT EXPECTATION MO, HINDI NAMAN KASI GANUN KADALI IM WILLING NAMAN PO MAGBIGAY DI LANG TALAGA ABOT SA KAILANGAN MO. PASENSYA NA NAGING MAYABANG PA TULOY AKO. 150 PACKS LANG KASI YONG TARGET TALAGA NAMIN AND 50 PACKS PARA SA MGA DELIVERY RIDERS NATIN. KUNG ALAM KO PO SANA NA GANUN KADAMI NEEDS NYO E DI SANA PO NAPAGHANDAAN PO DIBA? AKO PA TULOY NAGING MAYABANG GODBLESS YOU"

Umani ng batikos mula sa mga netizens ang demanding na si Mel.

"HOY MEL FAJARDONG SLAPSOIL WAGKANG ANO. NAKIKIUSAP KA NA LANG KUPAL KUPA PA UGALI MO HAYP KA," sabi ni Gabriel King.

"Sa pag kaka alam q.. Ung community pantry para sa mga wlang makain at walang pangbili... Walang makain pero may pang lalamove.. Aba.. Amazing... Iba na tlaga mga parasites sa mundo..," komento ni Lhen Enella.

"AYY HALA SI ATE GURL IBA DIN PARANG UMULA NG KAKAPALAN NG MUKA SINALO MO LAHAT TE ....IKAW NALANG NAG RE REQUEST IKAW PA MAYABANG," sabi naman ni Cheryl Calma Garbin.

"Kay nakaka walang ganang tumulong minsan, dahil sa mga halimaw na tulad ng mga ganyan," sabi ni Aljaylene Muriel Palacio Balean-Jamon.


***