Child actress na si Xia Vigor, isang batang eredera pala; 14 na bahay ang mamanahin mula sa ama sa Inglatera - The Daily Sentry


Child actress na si Xia Vigor, isang batang eredera pala; 14 na bahay ang mamanahin mula sa ama sa Inglatera



 

Photo courtesy of Showtime and MSN


Natatandaan nyo pa ba ang celebrity child actress na si Xia Vigor? Marahil ang karamihan sa inyo ay hindi na. Si Xiamara Sophia Vigor o mas kilala sa tawag na Xia Vigor, ay isang British-Filipina at super talented na bata.

 

Mula sa isang British national ang ama at isang Pinay naman ang ina ni Xia. Nakilala ang batang actress dahil sa angking talent nito at kalaunan nga ay naging TV host din sa isang sikat na local channel. *


 

Nagsimulang sumikat si Xia nang manalo ito sa isang segment ng noon time show na “Showtime” na pinangungunahan ni Vice Ganda, na “Mini Me 2” kung saan ay nagwagi syang grand winner bilang isang mini me ng Hollywood celebrity na si Selena Gomez.

 

Marami ang humanga sa angking talino ng batang ito, dahil bukod sa pagkanta at pag arte ay talaga namang napaka bibo niya sumagot at napaka galang pa na bata.

 

Kinaaliwan ng marami si Xia dahil sa napakabibo nito at matalino kung sumagot. Lalo na at maririnig mo syang nagtatagalog at maririnig mor in ang pagkakaroon nya ng British accent.

 

Mula noon, ay nagkaroon na ng segment si Xia sa Showtime na tinawanag na “Xia and Kuys” kasama nya bilang co-hosts sina Billy Crawford at Vhong Navarro. *


 

Photo courtesy of Showtime


Bukod pa dito naging abala din si Xia sa mga charity works sa murang edad ay sya ang kauna-unahanang Child ambassador ng Habitat for Humanity at World Wide fund Youth Advocate na tumutulong sa mga kababayan nating mahihirap.

 

Alam nyo ba na bukod sa pagiging sikat na child actress ni Xia, ay isa rin pala ito tagapag-mana ng mga ari-arian sa England ng kanyang Briton na ama.

 

Ayon sa balita, si Xia ang magiging susunod na eredera ng kanyang ama at isa sa mga mamanahin ni Xia at ang labing apat 14 na nag-gagandahang mga real estate ng kanyang ama sa Inglatera.

 

Kinumpirma nga ito ni Xia sa isa sa panayam sa kaniya, at hindi kalaunan ay magiging isa nga sya sa mga eredera sa napaka murang edad pa lamang. *


 

Photo courtesy of Philstar


Matatandaan ng una itong kapanayamin kung ano ang gusto nya kapag sya ay lumaki, aniya, nais nyang maging isang weightlifter gaya ng Olympic medalist na si Hidilyn Diaz. Kanya pa ngang ibinida na kaya nya umanong buhatin ang kaniyang ina.

 

Nais din umano nyang maging isang salon girl ngunit ng mapanood nya ang mga paborito nyang singer mula noon ay gusto nan yang maging isang sikat na Pop star.

 

Maging ang international media ay napansin ang talento ni Xia nang manalo ito sa Showtime.

 

Ngunit sa isang iglap ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin para sa kinabukasan ng nasabing child actress, lalo na nang malaman nyang isa pala syang taga pagmana ng napakayaman nyang ama.


 

Sa ngayon ay tanging pagvlo-vlog muna ang pinagkaka-abalahan ni Xia, dahil na rin sa krisis sa pandemya.  Sa kasalukuyan ay mapapanood si Xia sa kanyang Youtube channel kung saan ay mayroon syang bagong videos araw-araw.

 

Isa rin sa nagpapasaya sa batang aktres ay ang makapagbigay saya sa mga tao, kaya naman pangarap nyang maging isang Pop star paglaki, dahil para sa kanya, sa tuwing nakakapagpasaya sya ng mga manonood ay iabng kasiyahan din ang nararamdaman nya. *

 

 

Photo courtesy of Facebook @Unofficial Xia Vigor