Hindi hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng mga pangarap at magtagumpay sa buhay!
Ito ang pinatunayan ng isang proud anak ng mangingisda at tindera sa palengke at matalinong Pisay student na si Marco Jones Caniedo Sagun ng Bolinao Pangasinan. Aminadong hirap ang kanyang mga magulang matustusan ang pagpapatuloy niya ng kanyang pag-aaral.
Buong pusong ninanais ni Marco at sinubukang makapag-aral sa mga prestihiyosong paaralan kahit pa man may mga agam-agam at nagsasabing imposible umano itong mangyari ngunit nagpursige at determinado siya sa pangarap niya.
Kaya lubos ang pagkagalak ni Marco nang matanggap nito ang balita na nakapasa siya sa Bentley University sa Waltham, Massachusetts isa sa pinakakilalang Unibersidad sa buong mundo bilang Presidential Scholar.
"Isang biyaya po ang dumating nitong mga nakaraang araw nang ako po makapasa bilang isang Presidential Scholar,"
"Subalit ngayon po ay sinusulat ko po ito dahil ako po ay kumakatok sa inyong mga puso."
"Isa po itong biyayang mula sa Dios, subalit bago pa man po malasap ang tugatog ng tagumpay, isang balakid na po ang kumaharap sa akin."
Narito ang kanyang buong post:
Greetings!
Ako po si Marco Jones Caniedo Sagun, anak nina Robert Sagun (fisherman) and Oyang Sagun (fish vendor). Taga Bolinao,Pangasinan po kami. Isang biyaya po ang dumating nitong mga nakaraang araw nang ako po makapasa bilang isang Presidential Scholar sa Bentley University sa Waltham, Massachusetts. Subalit ngayon po ay sinusulat ko po ito dahil ako po ay kumakatok sa inyong mga puso.
Isa po itong biyayang mula sa Dios, subalit bago pa man po malasap ang tugatog ng tagumpay, isang balakid na po ang kumaharap sa akin. Sa ngayon po ay ay kinakayod ko po ang makalikom ng $1000 o PhP50,000 para makapagkumpirma ng puwesto sa eskuwelahan.
Ito po ay para sa confirmation ko po ng slot at sa dormitory po na tutuluyan ko.
Bilang anak po ng mangingisda at tindera ng isda sa palengke, hindi po namin kakayanin ang ganito kalaking halaga.
Alanganin po kasi ang dating ng financial assistance na manggagaling sa US pero kailangan na po namin makapagbigay ng $1000 hanggang January 20, 2022. Ngayon pa lamang po, gusto ko na po kayong pasalamat sa lahat ng mga tulong po ibibigay niyo.
Maraming-maraming salamat po sainyong lahat.
Maraming salamat po sa lahat ng tutulong sa kahit anoman pong paraan (pagdonate, pagshare, atbp).
***
Source: Marco Jones Caniedo Sagun
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!