Demanding na ina, ayaw tanggapin ang mumurahin na gatas para sa anak, gusto ay mamahalin - The Daily Sentry


Demanding na ina, ayaw tanggapin ang mumurahin na gatas para sa anak, gusto ay mamahalin



  

Larawan mula kay Juliet Lapada

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na madami ang nangangailangan ng tulong ngayon dahil sobrang apektado sa ipinatupad na community quarantine dahil sa nararanasang pagkalat ng sakit sa bansa.

Karamihan sa mga mamamayan ay ginagamit ang social media upang humingi ng tulong at para mabilis na makarating sa mga taong nais tumulong ang kanilang mga hinaing.

Gayunpaman, isang netizen ang nagpost sa kanyang Facebook account ang kanyang karanasan matapos nitong ibahagi ang naging pag-uusap niya at isang babaeng nangangailangan ng tulong.

Ayon sa netizen na si Juliet Lapada, isang ina umano ang humingi ng tulong sa kanya dahil wala na umanong gatas ang kanyang anak.

Bilang isang ina ay naawa si Lapada sa bata sa ganitong panahon kung kaya naman minabuti niyang kausapin isang ina na humihingi ng tulong.

Nagulat umano si Lapada dahil mamahaling gatas ang hanap ng babaeng hindi niya pinangalanan.

Ayon raw umano sa babae, hindi umano hiyang ang kanyang anak sa ibang gatas kung kaya iyon ang hinahanap niyang gatas.

Basahin ang post ni Lapada sa ibaba:

"Mga kakosa ko minsan na nga lang ako tumulong sana kahit hirap din ako sa panggatas ng anak ko eh 😂🤣 ang choosy pa ng napili ko. Nahahabag lang ako talaga sa mga batang walang madede kase alam ko pakiramdam bilang nanay yun pero pls naman AYOKO NA MAGSALITA hanggang don na lang 😒🤣

"PS EDITED POST: DI PO MAYAMAN ANG LOLA NYO 🤣 I WILL TRY MY BEST NA HUMANAP NG MGA MAGDODONATE PARA NAMAN SA MGA NANGHIHINGI MAY IBIGAY SA INYO 😂 SENSYA NA KAYA NGA DI AKO NAG COCOMMEMT SA MGA PAGE.

Larawan mula kay Juliet Lapada

Larawan mula kay Juliet Lapada

"NAGKATAON LANG NA NAIPOST KO TO KASE NALOKA LANG NAMAN ANG LOLA NYO. WAG NA KAYO MAMBASHED TULONG NA LANG."

Dahil dito, umani naman ng ibang-ibang reaksiyon mula sa mga netizen ang post ni Lapada.

"Mga mom' minsan po kasi mahirap palitan agad agad ang gatas ng Bata .. my posibilidad po na magtae at masayang lang Ang gatas ... Pero Mali talaga na magsabi pa Kung ilan kg ang gusto niya .. sana magpasalamat Kung Anu Kaya ibigay.. Mali lang yung way niya NG pagkakachat . 

"Siguro yung mali nung girl eh nagsabi pa sya kung ilang kilo ng pediasute ang bet nya, pero tama lang din naman na di nya tinanggap kasi di naman magagamit ni baby niya. Baka nagbabakasakali lang siya na meron magbigay Ng hinahanap niya na gatas. Di naman sa pagiging demanding siguro. Panget lang din na gumamit siya ng word na ‘bonakid lang’. Di lang siguro kayo nagkaintindihan. Di naman siguro siya nag iinarte talaga nagkataon lang na yun talaga ang gatas ng anak niya. Wag nalang din sana siya gagamit ng word na ‘lang’ para di din mapipikon yung kausap niya."

Sa kasunod na post ni Lapada sa kanyang Facebook, sinabi nitong mayroong nagmagandang loob ang nagbigay ng brand ng mamahaling gatas ng hinahanap ng babaeng nakausap niya.

Gayunpaman, hindi umano tinanggap ng babaeng kausap niya ang gatas dahil iba umana ang flavor at ayaw raw ng anak niya ang ibang lasa.

Basahin sa ibaba:

"GATAS PART 2 🤣 MGA BASHERS LABASSSSSS KASALANANNNN KO NA SIGE NAAAA
"SA KABUTIHANG PALAD MAY NAGMAGANDANG LOOB PO MAGBIGAY NG MAMAHALING GATAS PERO SA KASAMAANG PALAD AYAW NYA CHOCOLATE GUSTO NYA VANILAAAAAAA.

"PS MGA MIMOSA DI KO SASABIHIN KUNG SINO HAHAHAHA WALA NA AYAWAN NA TALAGA
Larawan mula kay Juliet Lapada


Larawan mula kay Juliet Lapada

Larawan mula kay Juliet Lapada

***