Lalaking naka motor, matapang na inalam ang lihim na nagkukubli, sa madilim na lugar ng Avenida. - The Daily Sentry


Lalaking naka motor, matapang na inalam ang lihim na nagkukubli, sa madilim na lugar ng Avenida.



Isang kakilakilabot na video ang ibinahagi sa Facebook ni John Jerico Jacob o J Channel nang walang takot niyang baybayin ang kahabaan ng Avenida, Recto sa lungsod ng Maynila. Upang alamin at usisain ang palihim na pag alok ng kakaibang serbisyo ng mga kababaihang nagkukubli sa kadiliman ng lugar.

Ito'y upang magbigay ng paalala at babala sa kaniyang mga tagasubaybay tungkol sa patuloy na pagsasagawa ng palihim na kalakaran dito.



Ang video ni J ay mabilis na kumalat sa social media na sa ngayon ay nasa higit 12 million views at patuloy na tumatabo ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Aniya, ito ay upang magbigay impormasyon at kaalaman ukol sa kahindik-hindik na kalakaran sa lugar.

J Channel | Facebook

Sa una ay tila nahihirapan ang vlogger dahil tila mailap ang mga kababaihang madalas ay nakakalat sa lugar. Taliwas aniya sa nakasanayang pagiikot dito, kakaibang Avenida ang tila kanyang tinatahak ngayon dahil kadalasan ay makalat at maraming tao sa lugar na ito.

J Channel | Facebook

Ngunit matapos ang ilang minuto ng pag kukunwari at pansamatalang pagtigil sa iba't ibang lokasyon. Sa isang madilim na bahagi ng lugar ay may isang babae ang lumapit kay John Jerico.

J Channel | Facebook

Walang pag aatubiling tinanong nito kung gusto ni John ng babae?

Sa pagkakataong ito ay nagsimula na ang pag uusap ng dalawa at pang uusisa ni John na tumagal ng halos limang minuto.

J Channel | Facebook

J Channel | Facebook

J Channel | Facebook


J Channel | Facebook

Nang makahanap ng tyempo ay umalis na ito at iniwan na ang babaeng nag-aalok ng kakaibang serbisyo.

Mabilis na nagpaandar ng kanyang motorsiklo si John at nang makalayo ay saka niya inilathala ang kaniyang naging karanasan.

J Channel | Facebook

Halatang halata ang kaba at nerbyos habang nagku-kwento sa video si John. Matapos nitong makompirma ang lihim na nagtatago sa dilim sa kahabaan ng Avenida.

J Channel | Facebook

Maka-ilang ulit na pinaalalahan nito ang kaniyang mga taga subaybay na maging maingat at mapagmatyag sa lugar.

Sa huli ay mariin niyang sinabi na magisip ng mabuti ang mga kalalakihan kung sakaling mag krus man ang landas nila ng mga babaeng kagaya ng nakausap nito. Dahil malaking posibilidad na pagsisisihan lang ito sa huli ang panandaliang kaligayahang alok ng mga ito.

Napagtanto rin niya kung gano kahirap ang buhay, dahilan para pasukin ng mga kaawa-awang mga kababaihan ang gawaing ito.

J Channel | Facebook

J Channel | Facebook

Batid ng lahat na pilit ipinapatupad ang kaayusan sa lugar kaya naman magkahalong awa at pagkadismaya ang reaksyon ng libo-libong mga netizens dahil sa natunghayang video sa Avenida at ang palihim na nangyayari dito, pagsapit ng gabi.