Isang Math teacher, piniling pa ring ipagpatuloy ang pagtuturo sa kabila ng pagkawala ng kanang mata dahil sa tumor - The Daily Sentry


Isang Math teacher, piniling pa ring ipagpatuloy ang pagtuturo sa kabila ng pagkawala ng kanang mata dahil sa tumor



 

Photos courtesy of Facebook @JellyRojas

Marahil narinig nyo na po ang kasabihang “hindi natin pwedeng ipangako ang bukas dahil hindi natin alam kung ano ang ilalabas nito,” huwag tayong maging kampante at paka sigurado sa ating buhay. Kaya naman dapat lagi tayong magtagubilin sa Panginoon upang tayo ay kanyang gabayan.

 

Ngunit habang tayo ay nabubuhay dito sa ibabaw ng mundo, kasama na natin ang mga pagsubok na dumadating, ang kailangan lang natin ay lakas ng loob at higit sa lahat pananampalataya sa itaas na walang imposible sa kanya.  *


 

Gaya na lang ng kwento ng buhay ng isang binibini na si Jelly Rojas, mula Tarlac City. Isang Math teacher si Jelly at isang breadwinner din ng kanilang pamilya.

 

Hindi nya akalain na tutubuan sya ng tumor sa utak na kung tawagin ay Meningioma, taong 2019 nang madiskubre ng mga doctor na may tumutubong tumor sa kanyang utak, sa likod mismo ng kanyang kanang mata.

 

Ayon sa mga eksperto, ang Meningioma ay isang uri ng tumor na nagsisimula sa utak o kaya ay sa spinal cord. Sinasabing isa sa mga sanhi ng pagkakaroon nito ay dahil sa radiation.

 

Ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukumpirma ng mga dalubhasa kung may kinalaman ba ang pagkakaroon ng genetic disorder o hormone o previous injury. Ayon pa sa mga pag-aaral, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng tumor na ito ang mga babae.  *

 

Photos courtesy of Facebook @JellyRojas


Dalawang beses ng naoperahan sa ulo si teacher Jelly, akala ng mga doctor noong una ay ligtas na siya mula sa tumor na ito nang tuluyan nang tinanggalan ng kanyang kanang mata at nawalan na sya ng paningin.


“Nung sinabi ng doktor na I need to give up my right eye, ngumiti lang ako sa kanya.” Pahayag ni teacher Jelly sa panayam sa kanya ng 24 Oras.


Ngunit hindi pa pala nagtatapos ang problemang kinakaharap ng guro, at noong Setyembre 2020 ay muling may nakitang tumubong tumor sa kanyang utak malapit sa kanang mata na tinanggal sa kanya.


“Yung doktor ko umiiling siya. Meron palang bukol ulit sa loob ng aking naoperahan na mata.” Dagdag pa ng dalaga.

 

“Yung prayer ko is, wala na akong salita na masabi. Puro iyak na lang. Talagang sobrang sakit sa akin.” Aniya.  *

 

 

Photos courtesy of Facebook @JellyRojas


Pero dahil kailangang lumaban ni Ma’am Jelly sa sunod sunod na dagok na dumating sa kanya, kailangan nyang magpaka tatag para sa mga mahal sa buhay na umaasa sa kanya, tuloy lang ang buhay para sa dalagang guro.

 

Tanging sa pananampalataya siya kumakapit para malampasan ang mga pagsubok na pinagdaraanan niya dahil naniniwala sya na walang imposible sa Panginoon na syang makapangyarihan sa lahat.


 

At sya ngang tunay, dahil sa kabila mga pagsubok sa kalagitnaan pa ng pandemya, may mga taong kinasangkapan ang Panginoon upang tumulong sa kanilang mag-anak.

 

“Merong nagpapadala sa akin na mga pera, kung saan ang laking tulong po sa akin,” kwento pa niya.

 

Maging ang mga doctor nya mismo ay tumulong din sa kanya at sila pa ang naghahanap ng mga charity na pwede nilang lapitan.  *

 

Screencap photos from GMA News



“Alam niyo po, pati rin yung mga doktor tumulong din sila. Sila naghanap ng mga charity na puwedeng tumulong sa akin.”

 

Matapos ng lahat ng dagok na dumating, ngayon ay balik na sa pagtuturo si Ma’am Jelly sa kanyang Grade IV students.

 

Marami ang naantig sa video interview sa kanya, buong tapang nyang tinanggal at ipinakita ni Jelly ang takip sa kanyang mata, upang makita ang itsura na wala ang kanyang kanang mata.

 

“Wala na po si right eye,” naluluhang na sabi ng dalaga.


“Kailangan natin tanggapin, yakapin ang mga binibigay na problema sa atin ng Panginoon.”

 

“Kapag kuma-faith tayo sa Panginoon, makakaya natin yung problema na kinakaharap natin.” Dagdag pa niya.

 


Nais magbigay inspirasyon ni batang guro lalo sa mga taong dumadanas ng matinding problema gaya ng kanyang napagdaanan.  *

 

Photos courtesy of Facebook @JellyRojas



Sa katunayan, nakakapag share si Jelly ng mga positibong mensahe sa pamamagitan ng social media. Nais nyang maging buhay na halimbawa na lahat ng pagsubok gaano man ito kahirap, at tiyak na malalampasan.

 

Bas ang kailangan lang ay magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at higit sa lahat at pananampalataya sa Panginoon na syang nagbibigay ng pag-asa sa atin.

 

Nakita ni teacher Jelly kung paano kumilos ang Panginoon para sa kanya, kitang kita din niya yung mga taong kinasakapan nito upang tulungan sya sa mga gastusin para mairaos ang kanyang operasyon.

 

"One of my greatest fears is to see myself with one eye but now I can confidently say that I overcome my fear with JESUS.

 

“LAHAT ng nangyayari may purpose si Lord, WALA pala ako dapat ikahiya sa itsura ko.” Aniya.


“TO GOD BE THE GLORY." Masayang pahayag ni teacher Jelly sa kanyang social media post. *


Photos courtesy of Facebook @JellyRojas at GMA News