Netizen nagbabala sa m0dus ng mga naglalako ng ‘uratex’ daw na foam - The Daily Sentry


Netizen nagbabala sa m0dus ng mga naglalako ng ‘uratex’ daw na foam



Hindi na bago sa atin ang mga naglalako o nagtitinda ng kung ano ano sa ating lugar. Halos araw-araw ay may nag-aalok ng kanilang paninda mapa gamit man ito o pagkain.
Photo credit: Dye Ssa

Minsan ay mura talaga ang kanilang mga itinitinda kaya marami rin ang napapabili sa kanila.

Minsan naman ay nakakaawa ang kanilang sitwasyon dahil kahit tirik ang sikat ng araw o malakas ang ulan ay patuloy pa rin sila sa kanilang paglalako.

Kahit na mabigat ang kanilang mga dala ay patuloy pa rin sila sa pag-alok ng kanilang paninda.

Subalit sino nga ba ang mag-aakala na mayroong m0dus ang ilan sa mga naglalako?

Ito ang ibinahagi ng netizen na si Dye Ssa sa kanyang Facebook post.

Ayon kay Dye, bumili siya ng bed foam sa isang naglalako sa kanilang lugar. Maganda raw ang itsura nito at mura kaya siya napabili.
Photo credit: Dye Ssa

Kwento niya, nakiusap pa siya sa naglalako na kung pwede ay tignan raw ang loob ng bed foam upang masiguro kung ‘uratex’ talaga ito, ngunit tinanggihan siya at sinabing "HINDI PO PWEDE MAAM KASI NAKA TAHI NA PO.
 
Kaya naman pagkakuha niya ng bed foam ay agad niya itong binuksan. Dito na tumambad ang nangingitim at nakakadiring itsura ng foam. 

BINUKSAN KO GANITO YUNG ITSURA ,TALAGANG "USE" NA PO TALAGA,” sabi ni Dye.

KAYA PALA NUNG BINAYARAN KO NA DALI-DALI NA SIYANG UMALIS WALA MAN LANG THANKYOU HAHAHAAHAHHA ! PARANG NA BUD0L KAMI DON,” dagdag nito.
Photo credit: Dye Ssa
Photo credit: Dye Ssa

Kaya naman nagbigay ng paalala si Dye sa mga netizen na mag-ingat upang wala ng maloko pa ang ibang kawatan.

Narito ang kanyang buong post:

"PAALALA : !

BUMILI KAMI NG FOAM SA KANILA, MAGANDA SA LABAS PERO NONG BINUKSAN KO GANITO YUNG ITSURA ,TALAGANG "USE" NA PO TALAGA .NONG BINILI KO PO SABI NIYA " URATEX" DAW SAGOT  KO "PWEDE PO BANG TIGNAN KO SA LOOB " SAGOT NIYA "HINDI PO PWEDE MAAM KASI NAKA TAHI NA PO "SASABIHAN DIN PO NILANG PWEDENG UTANG PWEDENG CASH .PAG UTANG 3K PAG CASH 1,300 .KAYA PALA NUNG BINAYARAN KO NA DALI-DALI NA SIYANG UMALIS WALA MAN LANG THANKYOU HAHAHAAHAHHA ! PARANG NA BUD0L KAMI DON .

SO PLEASE BE AWARE PARA PO WALA NA PO SILANG IBANG MALOKO PA . THANKYOU!!”


***