Mura, tahasang pinatamaan ang Vlogger na tumulong magpagamot sa kanya: "Tabla lang kami" - The Daily Sentry


Mura, tahasang pinatamaan ang Vlogger na tumulong magpagamot sa kanya: "Tabla lang kami"




Marami ang nagulantang sa kontrobersyal na pahayag ni Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" nang tahasan nitong pinatamaan ang isang kilalang vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0, na siyang kauna-unahang tumulong sa kanya sa pagpapagamot nang wala niisa nitong mga dating kasamahan sa showbiz industry ang tumulong sa kanya. 


"Ilalabas ko lang din ang aking saloobin. Of course naman malaki ang binigay sa akin ni Virgelyn, halos P150,000 ang binigay niya sa akin nung nagvvlog sa dun sa amin," 



"Hindi na po kami nagkakausap ni Mama Virgelyn e, hindi na po kami nagkikita so...okay na po siguro sya don. Ano na po sya ngayon.. nasa taas na po eh, di ko na maabot. Nasa bulkan na po yata, di ko na maabot napakataas"



Ayon pa kay Mura naging daan rin umano siya sa pag-angat ng mga subcribers at viewers ni Virgelyn kaya ito kumita ng malaki. 


"Natural naman 'yun na magbigay siya. Vlogger siya e. Papaano nga naman lalaki 'yung kanyang viewers, yung kanyang subscribers kung 'di siya pumunta sa amin? 'Di ba, dun siya kumita ng sobra-sobra"


Dagdag pa ng dating komedyante na tabla lang din silang dalawa dahil sa mga naitulong at ambag nila sa isa't isa. 


"'Yung binigay niya sa'kin tulong niya yun at tulong ko na rin sa kanya dahil naging mataas na rin yung subscribers niya"





"Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit,"


"Kung natulungan ako ni Virgelyn, mas natulungan ko rin siya. So parehas lang. Tabla na kaming dalawa. Wala na po kaming pakialaman ngayon. Hindi narin po nagrereply sa akin. Siguro sobrang nabibigatan na siya sa kanyang bulsa,"


***

Source: KAMI

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!