Negosyo para kay Lolo! Wendell Ramos Binigyan ng Sariling Mangga at Food Cart si Lolo Narding - The Daily Sentry


Negosyo para kay Lolo! Wendell Ramos Binigyan ng Sariling Mangga at Food Cart si Lolo Narding



Photo credit to wendellramosofficial | Instagram

Noong nakaraang Linggo, sadyang pinag-usapan ang nangyaring pagpapakulong sa matandang 80 year old na si Lolo Narding dahil diumano sa pamimitas nito ng mangga sa bakuran na katabi ng kanilang tahanan sa Asingan, Pangasinan.

Inakusahan raw kse ang matanda ng pagnanakaw ng 10 kilo ng mangga at ipinakulong. Ayon naman kay Lolo, siya naman diumano ang nagtanim ng puno nito na binakuran lamang ng may-ari ng lupa at inangkin ang naturang puno.



Photo credit to GMA News

Marami ang nagalit sa may-ari ng lupa at lubhang kinahabagan ang matanda dahil sa sinapit nito, Kaya naman kabi-kabila ang nagpa-abot ng kanilang tulong kay Lolo Narding.

Isa na dito kamakailan ang sikat na Kapuso aktor na si Wendell Ramos. Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay ibinahagi niya ang handog na tulong na negosyong pagkabuhayan para kay Lolo.

Binigyan niya ito ng mangga para ibenta. At bukod sa mga bunga ng mangga, sinamahan pa ito ng aktor ng food cart na nakapangalan mismo kay Lolo.

Photo credit to wendellramosofficial | Instagram



Ayon kay Wendell, isang 'accomplised mission' ang ginawa niyang tulong kay Lolo Narding. Kanya ring pinasalamatan ang lahat ng nakasama niya sa pagtulong sa matanda, higit sa lahat sa mga taong diumano ay patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa kanyang negosyo, dahilan upang maipa-abot rin niya ang tulong sa ibang nangangailangan, tulad ni Lolo Narding.

Photo credit to wendellramosofficial | Instagram

Photo credit to wendellramosofficial | Instagram




Basahin ang kanyang full post sa ibaba:

"Mission accomplished! LOLO NARDO’s dagdag KABUHAYAN , munting mga REGALO at NEGOSYO mula po saamin ng @ifranchise.bscorp , @ofwfamilyclub at @wendeli_meathouse

Ang @wendeli_meathouse , @ifranchise.bscorp kasama ng aming
-CEO @krish_official2022 at sa lahat ng bumubuo ng @ofwfamilyclub..
kami po ay nagpapasalamat sa DIYOS AMA

.. unang una sa lahat. At sa mga taong patuloy na sumusuporta at nag tatangkilik sa aming mga negosyo. Kayo po ang dahilan kaya nagagawa namin ang patuloy na balik tanaw para sa mga kapwa natin katulad po ni LOLO NARDO’

umasa po kayo na ang @igivebyifranchise foundation po namin ay patuloy at mananatiling tutulong
Sa abot po ng aming makakaya.

Maraming Salamat po sa inyong lahat..
#togodbetheglory

Pay it forward! Thank you Lord for making these things possible 

Negosyong handog para kay lolo Nardo mula sa @ifranchise.bscorp @wendeli_meathouse @ofwfamilyclub

God bless Lolo Nardo 

#godisfaithful #injesusname"

Photo credit to wendellramosofficial | Instagram