Netizen sa Tricycle Driver na Nagsauli ng Nahulog niyang Cellphone: "Deserve Nyo Pong IFlex!" - The Daily Sentry


Netizen sa Tricycle Driver na Nagsauli ng Nahulog niyang Cellphone: "Deserve Nyo Pong IFlex!"



Photo credit to Rose Ann Pillarda | Facebook

Sa panahon ngayon, sadyang nakakabilib na may mga tao pa din na sa kabila ng hirap ng buhay ay mas pinipili ang gumawa ng tama at maging mabuting tao.

Kahanga-hanga ang mga 'good samaritans' na walang ibang hinahangad kundi ang makatulong sa kapwa kaya naman narararapat lamang silang ipagmalaki o 'IFLEX!' ikanga!

Tulad na lamang ng isang tricycle driver na taga Las Pinas city na talaga namang hinangaan matapos nito diumanong ibalik ang nahulog na cellphone ng kanyang pasahero at siya pa mismo ang nagsauli at naghatid nito.



Photo credit to Rose Ann Pillarda | Facebook

Kwento ng netizen at siyang pasahero na si Rose Ann Pillarda, sumakay siya ng tricycle pauwi sa kanila at sa sobrang pagod at antok ay nakatulog siya sa byahe at hindi namalayan na nahulog niya pala ang kanyang cellular phone.

Nang makauwi sa bahay at kailangan ng mag online class ay narealize niya diumano na wala na ang kanyang phone, kaya naman tinawagan agad nila ang numero ng kanyang cellphone at laking pasalamat na sinagot naman agad ito ng kabilang linya.

Nahulog pala ang cellphone sa tricycle na kanyang sinakyan at napulot ito ng mabait na driver na walang pasubaling isinauli agad ito at hinatid pa mismo sa kanilang lugar.



Photo credit to Rose Ann Pillarda | Facebook

Ani Rose Ann, deserve talagang iflex ang kabaitan na ipinamalas ni kuyang tricycle driver kaya naman kanyang ibinahagi ang napakagandang kwentong iyon sa social media at ipinakita ang larawan ni kuya.

"Konting kwento.. Sa sobrang antok at pagod nahulog ko pala phone ko sa tricycle, narealize kong wala na sya (yung phone aa) pag uwi ko sa bahay dahil may online class ako. Pero SOBRANG thankful ako dahil napaka bait ni KUYA TRICYCLE DRIVER sinagot nya agad yung tawag ng tito at walang ano ano hinatid nya pabalik sa mahogany yung cellphone
A good SAMARITAN indeed.
Maraming Salamat po ulit!
#shoutoutsayokuya129
#deservenyopongIFLEX
#SALUTE
#GODBLESSYOUMORE!",
post ni Rose Ann

Salute po sa inyo kuyang driver! Naway maging inspirasyon po sa iba ang inyong kabaitan at kabutihan ng puso. Pagpalain po kayo!