Mga netizens, tila gutsong maki-"blow" sa yayamaning birthday candle ni Heart. Silipin ang kanilang mga komento: - The Daily Sentry


Mga netizens, tila gutsong maki-"blow" sa yayamaning birthday candle ni Heart. Silipin ang kanilang mga komento:



Isang mamahaling kandila ang ibinahagi ni Heart Evanglista sa kaniyang Instagram post bilang paggunita sa kaniyang birtmonth at gaya ng inaasahan ay hindi ito nakaligtas sa mga nakakaaliw na komento ng mga netizens.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang fabulosong pamumuhay ng sikat na aktres mula sa kanyang mga gamit at damit na talagang makalaglag panga sa kamahalan.




Isa si Heart sa mga kilalang personalidad na may koleksyon ng mga luxury bags, shoes at iba pang mga kagamitan.

Bukod sa pagiging kolektor ay marami ding ang tumatangkilik sa mga obra nito. Kilala sa husay nito sa sining at tanyag pagdating sa pagpipinta.

Sa dami ng sumusubaybay sa kanyang pamumuhay ay inasahan na ang samu't saring komento at kanya-kanyang opinyon nang ibinahagi nito ang litrato niya na hawak hawak ang branded at di umano'y mamahaling kandila.

Heart Evangelista

Heart Evangelista | Facebook


Narito ang mga nasabi ng madla:

"Sinampal na nmn ako ng kahirapan.. pati kandila Chanel"

"Naku mas lalu mo kailangan hipan agad at maharlika ang candle , dahil pag di mo hinipan agad ubos agad si candle lol"

"Also my birthday month! who knows magka chanel candle din ako! Or bag! Charrrrr!!!! Advance Happy Birthday @iamhearte"

"Grabe pati kandila, nananampal ng katotohanan na mga hampaslupa tayo."

Heart Evangelista | Facebook

Heart Evangelista | Facebook


Ang isa namang ito na mula kay E Ci Naj Cuenca ang sinangayunan ng karamihan,

"Dame na naman aastang parang pera nila pinambili kung makareact! Tas parang kasalanan pa ni heart na di nila nilulustay ung pera nila sa mahihirap.. mga pavictim eh wag ganun.. nagkataon lang mapera talaga siya kaya afford niya mga ganyang bagay gawin niyong inspirasyon ung mga ganyang successful na mga tao kung pede nga higitan niyo pa.. maging masaya na lang sana no hate na di niya rin naman kasalanan maging mayaman kasi bukod sa anak mayaman na talaga siya eh pinagtrabahuan niya rin naman pera niya kaya deserved niya yan.."

Matatandaang kamakailan ay galit na sinagot ni Heart ang mga netizens na tila sumosobra na at pumipilit sa kanya na magkaroon na ng anak. "Ayoko eh!" sambit nito.

Heart Evangelista | Facebook