Inulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
kamakailan na tatlo sa mga tumama sa mga lotto draw ay hindi pa nakukuha ang
kanilang premyo hanggang ngayon.
Kaya naman ay nanawagan ang ahensya sa mga nanalo ng kabuuang
P98 milyon sa magkakahiwalay na draw ay kunin na nila ang kanilang mga napanalunan.
Ang mga nanalong taya ay ang mga sumusunod, ayon sa PCSO:
Isang bettor mula sa Baguio City na nanalo ng P62,756,225 sa
6/45 Mega Lotto draw noong February 18. Ang panalong kumbinasyon ay 31 – 30 – 6
– 4 – 29 – 16
Dalawang bettors naman mula sa Batangas at Muntinlupa City
na nanalo ng P36,830,471 na premyo sa pamamagitan ng 6/45 Mega Lotto draw noong
Hulyo 26, 2021.
Ayon pa sa PCSO, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin
silang natatanggap na tawag o mensahe mula sa mga nanalo matapos ang halos walong
buwan.
Sinabi din ng PCSO na kung pa rin makukuha ang mga nasabing
premyo hanggang Hulyo 26, 2022 ay forfeited na ito at idadagdag na sa charity fund
ng ahensya.
Dahil sa balitang ito ay may kani-kaniyang hirit ang mga
netizens, binaha ng wishful comments ang naturang ulat. *
Ang iba naman ay nagpanggap at nagbiro na sila ang mga
nanalo, narito ang ilan sa mga nakakatuwang komento ng netizens;
“Sayang talaga ginutay ng dog ko ‘yung ticket namin panalo
sana kami sa inyo na lang premyo,”
“Ako po ang nanalo kaya lang hindi ako pinasakay ng eroplano
kasi dapat fully vaccinated lang ang pwedeng sumakay. Kaya nag bangka na lang
ako sa tagal ko ba naman na mag-isang nagsagwan hindi ko alam kung kailan ako
makarating sa PCSO,”
“Nahiya po kasi ako pumunta di ko dala ticket ko. Nailipad
po kasi ng hangin,”
“Wag mo akong pangunahan. Maghintay ka (eyeroll emoji),”
May mga nag isip naman na maaaring may namatay na sa isa sa
mga nanalo.
“Baka namatay na yan, inatake sa puso nung malamang tumama
sila kaya wala [nag-claim,]”
Nilinaw naman ni Arnel Casas, PCSO officer-in-charge general
manager at Assistant Manager ng Management Services Sector na hindi maaaring
i-claim ang premyo kung nawala ang winning tickets.
“Sorry to say wala na po silang chance to claim the prize.
Kailangan ma-validate ng machine, ng system yung ticket. So kailangan po
talagang i-present ‘yon. Kaya tinatawag po namin na ‘yan ang passport nila sa millions,”
ayon pa sa pahayag ng opisyal ng PCSO