Good Samaritan to the Rescue sa Batang Bumibili ng Birthday Cake para sa Nanay! - The Daily Sentry


Good Samaritan to the Rescue sa Batang Bumibili ng Birthday Cake para sa Nanay!



Photo credit to Angelica Galido Bermoro | Facebook

Minsan may mga sitwasyon at mga tao talagang kukurot sa puso natin. Na sa kanilang simpleng pagtulong sa kapwa ay marami ang nabibigyan nila ng inspirasyon at paniniwala na ang kabutihan ay patuloy pa rin na umiiral sa panahon ngayon.

Lubhang kahanga-hanga nga naman na kung saan halos lahat ay sumusubok sa hirap ng buhay dulot ng pandemya, nakakabilib makabasa at makapanood ng mga kwento ng pagtulong sa kapwa at pagiging isang mabuting halimbawa.

Isang kwento mula sa isang netizen ang tunay na umani ng paghanga ng nakararami ng kanyang ibahagi sa social media ang isang di pangkaraniwang pangyayaring naganap sa kanya at ng isang bata ng makasabay niya ito sa isang sikat na bakeshop sa Davao City.




Photo credit to Angelica Galido Bermoro | Facebook

Photo credit to Angelica Galido Bermoro | Facebook

Kwento ng netizen at good samaritan na si Angelica Galido Bermoro, sobrang naantig siya sa batang si 'Bibo' ng makita niya itong bumibili ng cake para iregalo sana sa kanyang ina bilang kaarawan ng huli.

Nang ituro nito ang cake na nais bilhin para sa ina at nalaman ang halaga nito ay inilabas ng bata ang kanyang pera sa bulsa ngunit labis na nalugkot ng makitang kulang ang pera niya.

Ang pera ni bibo diumano ay isang P50, isang P20 at mga barya na aabot lamang sa mahigit P100, kulang para sa 300 na halaga ng cake na nais sana niyang bilhin.

Sabi raw ni Bibo kay Angelica, "Kulang ang pera ko. Ibibili ko na lang ’to ng bigas,".

Kaya naman ng marinig ni Angelica ang sinambit na iyon ng bata ay halos madurog ang puso nito at nag-volunteer na siya na lamang ang magbabayad ng cake at hindi na pinagbayad pa ang bata upang maibili na lamang nito ng bigas at pagkain ang pera sa bulsa.




Photo credit to Angelica Galido Bermoro | Facebook

Mensahe niya sa publiko, sana’y maging biyaya ang sinuman sa ibang tao at tumulong sa mga nangangailangan.

Narito ang buong post ni Angelica:

"Gusto lang nako ishare sa inyoha ning storya sa bata nga niduol nako didto sa Gaisano Mall Goldilocks kaning bataa nakapatandog sa akoa.

Bata: Pila ni te?

Ako: Tag 390

Bata: (nagtudlo siya lain na design nga cake) kani te?

Ako: Tag 305

Ako niadto ug counter kay magbayad ana siya kani lang ako te.. giingnan nako ang kahera te Kani daw iyaha paliton.

Bata: (nipagawas ug kwarta niya, daghan kaayo sinsilyo ug usa ka 50 ug duha ka 20)..Te pabilang ko
.
Kahera: Giihap ang kwarta (100 plus to ingon sa kahera nga kwarta sa bata)

Bata: Birthday sa akong mama.Palitan unta nako siya cake pero kulang akong kwarta.

Ako: Ako ra dungag sa kulang niya para mapalitan niya iyang mama ug cake.

Nigawas ang bata ug kalit gibilin iyang kwarta sa kahera. Giapas siya sa kahera sa gawas.
Taudtaud nibalik ang bata.

Bata: Kulang man akong kwarta. Birthday sa akong mama. Palit nalang nako na bugas.

Ako: Te ako lang palit anang cake te ibalik lang ng kwarta niya para mapalit pana niya ug bugas sa ilaha.

Kahera: Sige ma'am.

Lipay kaayo ang bata.

Tinuod gayud na dakong kalipay ang makapalipay. Natandog gyud kaayo ko sa bata kay pinangga kaayo niya iyang inahan bahalag wala nay mahibilin sa iyaha na kwarta ug niadto gyud siya ug mall para lang mapalitan iyang inahan ug lamian na cake.

Mahimo unta kitang gasa ug motabang sa atong mga igsuon nga nanginahanglan! 

#MissioAdGentes
#GiftedToGive"