Batang halos mag lumpasay sa iyak nang makitang babakunahan ang kanyang alagang pusa, kinagiliwan ng mga netizens - The Daily Sentry


Batang halos mag lumpasay sa iyak nang makitang babakunahan ang kanyang alagang pusa, kinagiliwan ng mga netizens



 

Larawan mula sa Facebook post ng Animal Kingdom


Trending sa social media ang isang bata umiyak nang husto nang kunin ng mga tagabakuna ang kanyang pinakamamahal na pusa.


Ayon sa post ng Animal Kindgdom, nangyari ito sa kanilang Anti-Rabies Vaccination Drive sa Brgy Lawy, Capas, Tarlac. Makikita sa mga larawan ang tindi ng iyak ng bata para bang mas ramdam pa niya ang sakit ng bakuna sa alaga.



“This scene proved how innocent kids are, and how genuine their love for their pets can be.” Ayon pa sa caption ng Animal Kingdom


Larawan mula sa Facebook post ng Animal Kingdom


Maraming netizens din ang natuwa sa naging reaksyon na ito ng bata. Sa kasalukuyan ang post na ito ay umabot na sa libu-libong shares at comments.


Larawan mula sa Facebook post ng Animal Kingdom



Talaga namang nakaka touch ang eksenang ito kung saan ay kitang-kita ang pagmamahal ng bata sa kanyang pinakamamahal na alagang pusa. 


Larawan mula sa Facebook post ng Animal Kingdom


Maaaring naisip ng batang ito na sasaktan ang kanyang alaga kaya siya napaiyak. Nakakatuwa na sa murang edad nya ay makikita mo na ang pagpapahalaga sa buhay ng hayop.



“If only we teach our children to be compassionate, we will be assured of a better tomorrow for the animals.” Dagdag pa sa caption ng Animal Kingdom


Larawan mula sa Facebook post ng Animal Kingdom


Maliban sa mga larawan ay nag viral din ang video ng bata sa Tiktok.