Isang tattoo artist may walong asawa at magkakasamang naninirahan sa iisang bubong - The Daily Sentry


Isang tattoo artist may walong asawa at magkakasamang naninirahan sa iisang bubong



Bahagi na ng isang relasyon ang pagseselos. Hindi ito maiiwasan ng dalawang taong nagmamahalan. Ngunit hindi rin naman makabubuti ang sobrang pagseselos lalo na kung wala namang rason upang gawin ito.
Photo credit: New York Post

Samantala, kakaiba ang walong babae mula sa bansang Thailand dahil iisang lalaki lamang ang kanilang asawa.

Ang nakakapagtaka pa rito ay masaya silang magkakasama at mayroon pa silang palabunutan o listahan kung sino ang makakatabi ng kanilang asawa tuwing gabi.

Sa isang interview ay masayang ikinuwento ng tattoo artist na si Ong Dam Sorot na masaya sila ng kanyang walong asawang naninirahan sa iisang bahay na parang isang pamilya.
Photo credit: New York Post
Photo credit: New York Post

Sa Youtube ay lumagpas na sa 3 million views ang interview kay Sorot kung saan ipinakilala niya ang kanyang mga asawa at ikinuwento kung papaano niya nakilala ang mga ito.

Ayon sa mga babae, si Sorot umano ay napakabait at mapagbigay na asawa kaya naman magkakasundo silang lahat.
Photo credit: New York Post
Photo credit: New York Post

Nakilala ni Sorot ang una niyang asawa na si Sprite sa kasal ng isa niyang kaibigan at agad niya itong niyayang magpakasal.

Ang pangalawang asawa ni Sorot na si Nong L ay nakilala niya sa palengke at ang pangatlo na si Nong Nan naman ay sa ospital.

Ang pang apat, lima at anim na asawa ni Sorot ay nakilala niya sa Instagram, Facebook at TikTok.
Photo credit: New York Post
Photo credit: New York Post

Habang nasa Phra Pathom Chedi temple naman si Sorot ay doon niya nakilala ang kanyang pang pitong asawa na si Nong Film.

Samantala, nakilala ng lalaki ang pang walong asawa niya na si Nong Mai habang nasa bakasyon siya kasama ang apat na asawa.

He is probably the most caring and considerate man we have ever seen,” sabi ng mga babae kaya wala umanong dahilan upang mag away-away sila.

Inilalarawan nila si Sorot bilang “very kind and thoughtful man.
Photo credit: New York Post

Photo credit: New York Post

Sa kasalukuyan ay buntis ang dalawa sa walong babae at may isa ng anak si Sorot sa unang niyang asawang si Sprite.

Natutulog ang mga babae sa apat na kwarto, tig-dalawa sa isang kwarto. Mayroon pa umano silang listahan kung sino ang makakatabi ni Sorot sa kama.

Kwento ni Sorot, noong tinanong niya ang unang asawang si Sprite kung okay lang ba rito na magkaroon pa siya ng isang asawa ay agad raw itong pumayag.

She agreed, as long as he brought his would-be second wife home, so she could meet her,” sabi ng isang article mula sa New York Post.
Photo credit: New York Post
Photo credit: New York Post

Para naman sa ibang asawa ng lalaki, pumayag raw sila sa ganoong sitwasyon dahil sobrang mahal nila si Sorot.

Anila, charming at kaya raw suportahan ni Sorot ang kanilang pangangailangan.

Kwento pa ng ibang babae, nahirapan raw silang ipaliwanag sa kanilang pamilya na ang pakakasalan nilang lalaki ay marami ng asawa.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay natanggap na rin ng kanilang mga kaibigan at pamilya ang sitwasyon nila.

Ikinuwento rin ni Sorot sa interview na kinausap niya ang kanyang mga asawa na maging tapat sa kanya at kung sakaling makahanap sila ng ibang lalaki ay sabihin lamang sa kanya.

Aniya, tatanungin niya ang mga ito ng tatlong beses at kung sigurado na sila sa kanilang desisyon ay pakakawalan niya ang mga ito.

Dahil sa dami ng kanyang asawa ay iniisip raw ng mga tao na maraming pera si Sorot. Ngunit hindi raw ito totoo.

Sa katunayan ay may kanya kanya umanong pinagkakakitaan ang kanyang mga asawa.

Mabilis na nag-viral ang kwento ni Sorot sa Thailand kung saan maraming lalaki ang naiingit sa kanya dahil sa pagkakaroon ng walong asawa. Mayroon din namang natatawa na lamang sa kanyang sitwasyon. Anila, masakit na raw sa ulo ang isang asawa paano pa kaya ang walo?


***