Natupad ang pangarap na magkaroon ng maraming anak, pero hindi niya ginusto na magkakaiba ang tatay ng mga ito. - The Daily Sentry


Natupad ang pangarap na magkaroon ng maraming anak, pero hindi niya ginusto na magkakaiba ang tatay ng mga ito.



Sa edad na 25-anyos ay mayroon ng apat na anak si Isabel Dizon. Ang 10 taong gulang na panganay na si Jai ay anak niya sa kanyang dating karelasyon at ang sumunod na dalawang sina Lance at Nigel naman na 6 at 5 taong gulang ay mula sa isa pang ex-boyfriend.

Ang bunso namang si Inarah, 1 taong gulang ay anak nila ng kanyang asawa ngayon na si Ralph Dizon.




Gaya ng mga anak, may mga kapatid din si Isabel sa ama ngunit solo lang itong lumaki sa puder ng mga magulang. Doon nagsimula ang pangarap nito na magkaroon ng malaking pamilya o maraming anak.

“Sabi ko noon, gusto ko marami ang anak ko. Pero hindi ko naman ginusto na iba-iba ang tatay nila.” Banggit nito sa mula panayam sa kanya ng Smart Parenting Mom Network.

Maaga mang nagka-anak si Isabel ay wala itong pinagsisihan. Bagkus gusto nitong maging inspirasyon sa mga batang ina kagaya niya.

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph


"Di ako proud na maaga akong nagbuntis. Actually, gusto kong ipakita sa mga kabataan ngayon na hindi madali ang maging batang ina…Although hindi naman ako nagsisisi kasi [my kids are] so beautiful. Blessing sila sa akin."

Taong 2009, sinikap ng noo'y 16 taong gulang na si Isabel na makatapos ng pag-aaral habang ginagampanan ang pagiging ina sa kanyang panganay na anak.

Ngunit hindi dito nagtapos ang pagsubok sa kaniyang buhay. 2011 naman ng binawian ng buhay ang nanay ni Isabel at nalaman rin nito na mayroon pa lang ibang pamilya ang kaniyang ama.

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph


Inuwi ng kanyang tatay Delfin ang pamilya sa bahay nila Isabel. Aniya, "Feeling ko, ako ang saling-pusa do’n sa pamilya…Mula bata, naghahanap ako palagi sa labas, friends gano’n. Mas naging close ako sa ibang tao kesa sa daddy ko."

Habang nagtatrabaho sa casino, nakilala ni Isabel ang ama ng kanyang pangalawa at pangatlong anak. Matapos tumamlay at lumabo ang kanilang pagsasama ay tuluyan din silang naghiwalay.

Wala na siyang mauwian noon dahil ang kanyang Daddy Delfin ay sumama na sa asawa nito na taga-Nueva Ecija. Kaya minabuti niya munang iwanan ang kanyang mga anak sa kanilang mga tunay na ama. Upang siya'y makapagtrabaho sa ibang bansa at mas matustusan ang pangangailangan nilang mag-iina.

"So iniwan ko [ang mga anak ko]. Para sa akin, ’yon ang pinakamahirap na desisyon," sambit ni Isabel.

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph


Mula sa lungkot at pangungulila ng pagta-trabaho sa ibang bansa. Nakahanap si Isabel ng makakausap at masasandalan. Ito ay ang kanyang kababatang si Ralph.

Biglang na lang daw umanong nakatanggap si Isabel ng text ng pangangamusta mula kay Ralph at Mula noon ay naging regular ang kanilang komunikasyon.

Malayo man sa isa't isa ay naging maayos ang kanilang pag-uusap at pag-kakaibigan.

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph

Isabel Belen-Dizon | smartparenting.com.ph


Matalik na magkaibigan din ang mga Isabel at Ralph kaya hindi na rin ito nag atubiling aminin sa kanyang daddy Delfin ang tungkol sa kanila ni Ralph.

Long distance man ang kanilang relasyon noong umpisa ay hindi ito naging hadlang sa desisyon ni Isabel na makipagmabutihan kay Ralph.

Nakaklungkot man na namayapa ang daddy Delfin ni Isabel bago pa man sila ikasal ng nobyo noong February 14, 2019 ay baon-baon naman nito ang lahat ng pangaral sa kanya ng ama.

Naging maayos pa rin naman ang pagsasama nila ng kanyang mga anak kahit na iniwan niya ito mula nang siya'y magtrabaho sa ibang bansa.

"Ang greatest joy ko talaga as a mom is makita ko ang mga anak ko na sama-sama,” sabi ni Isabel. “At saka makita silang masaya. Pag nanay ka, masaya ka na din talaga. Kahit hindi kayo mayaman, kahit hindi kayo makapunta sa ibang bansa, okay na ’yon. Basta ang mga anak mo, makita mong sama-sama sila at saka maayos silang magkakapatid."

isabeldizon | Instagram