Ama, nilakad ang Bulacan papuntang Bicol para makasama ang anak, ngunit hindi na niya ito nadatnang buhay - The Daily Sentry


Ama, nilakad ang Bulacan papuntang Bicol para makasama ang anak, ngunit hindi na niya ito nadatnang buhay



  

Larawan mula kay Joven

Nakakalungkot ang sinapit ng amang si Joven Opeña matapos itong maglakad mula Maynila papuntang Bicol para makita ang kanyang anak na kailangang operahan dahil may dinaramdam ito.

Sa kasamaang palad ay hindi rin naabutan ni Joven ang kanyang anak na humihinga dahil sa kanyang karamdaman na hindi na kinaya ng kanyang katawan.

Dahil sa ipinatupad na enhance community quarantine sa kanilang lugar at walang masakyan si Joven para makita ang anak na kailangan operahan ay hindi siya nagdalawang isip na maglakad makapiling lang ang kanyang anak.
Larawan mula kay Joven

Sa kanyang paglalakad ay may mga taong mabubuting ang kalooban na nagpasakay at tumulong sa kanya hanggang sa makarating siya sa kanyang pupuntahan.
Larawan mula kay Joven

"Good morning pu ulit sa lahat una sa lahat salamat panginoon dahil nkarating aq sa bicol ng ma ayus dahil sa mga taong nag tulong tulong para sakin.. Sa grab man ng kahirapanq kahirapan ng mga taong nagsakripisyo pra sakin salamat pu sa lahat.. Boss kim kristofier bernardo walang hanggang pssalamatq pu tlga sau.. At sa company nya pu na MDPECSONLAW, at sa boss nya pu maam or sir.. Salmat pu dahil may empleyado kayu na katulad ni sir kim bernardo na kayang itaya ang buhay nya para sa tuladq na nangngailangan ng tulong... Sir kim hayaan mupu na khit dito lng sa postq nato mpsalamatan kta sa lahat pu.. Hindiq pu sya kilala pero tinulungan nya pu aq and habang nsa byahe kmi nag ppray sya na sana safe kmi.. Mrami pu kaming pagsubok na dinaanan anjan yung muntikan ng masimplang sa motor pero sab ni sir kim cge lng lalaban tau hhatid kta.. Sana sir kim maprangalan kpu ng kopanya mu sa kabtihan mupu.. Salamat pu ng marami sa mga sundalo rin pu na npakiusapan nya lalong lalo na ang team army ng gumaca na ang sab ng isa sa knila ittaya nila ang knilang uniformi o trabho pra lng mkalusot kmi.. Sir maraming salamat pu sainyo.. Team din pu ng candelaria army mga sir salamat pu sa pag intidi.. Sana marami pang katulad nyupu.. At sa mag asawa ring mitchil. And jovit pablo maam sir salamat pu ha?? Kc pu timing pu tlga na sa last ng chickpoint sa quezon dna pu tlga kmi pinayagan ni sir kim na mkalusot ng bicol tnx God kc may pinadala nnman c God na back up na mlilipatanq na msakyan cla npu ang famly pablo.. Maam salamat sa paghatid sakin dito sa bmc naga.. Alam mutong pkirmdam na akalaq dna aq mkkrating bicol pero may plano pla ang panginoon.. Nkalipat pu aq sa kotse byahe papunta naga sa tulong narin ng mga sundalo.. Salmat tlga pu sa lahat lahat pu.. Sa mga nag kontact sakin sa fb sa numq sa mga nagpadala.. At sa mga naglowd pu sainyong lahat dko man kayo pu maisa isa bstah salamat pu sa lahat.. Mga kapatid ngayunq pu napatunayan na sa panahun ng kahirapan.sa kwalan ng pag asa anjan ang panginoon handa taung tulungan.. D tayu kailan man nkkalimutan napkbuti pu ng panginoon.. Sa ngayun pu dito naq sa naga mkkitaq na anakq salamat ulit pu sa lhat. Team army. Family pablo. At sir kim brnardo God bless pu"

Ligtas na nakauwi si Joven sa Bicol at dahil lahat ng galing sa Maynila ay kailangan muna sumailalim sa quarantine ay hindi niya agad nasilayan ang kanyang anak na ooperahan sa ospital.
Sa kasamaang palad, halos isang araw lang mula ng makauwi siya ay pumanaw na ang kanyang anak at hindi na niya ito nasilayan ng buhay.

"Dumating napu ang panahong ayaw na ayawq na mangyari itobsa anakq at sa buong pamilyako... Masakit lng pu isipin na dahil sa problema ng boong mundo pumanaw na ang anakq na dko man lng nkausap o na abutan na buhay pa sya yung pakiramdam pu na parang nawalan na talaga aq ng pag asa. Pro kailangan pu tanggapin na wala na tlga anakq... Nak surie pu dman tau nagkita nkausap man lng kta surie pero naniniwala aq nak darating din ang tyme pu na magkikta kita tayu nila mama sa langit. Salamat anak sa lahatbng massayang ala ala yun nalng nattira dito sa puso ni papa mahal na mahal pu kta.. Surie qng kailanganq lumayu sainyo para mka pag trabho pra sa ating pamilya.. Sa asawa pakattag lu tau mahal kaya natin yan atleast pu dna msyado nhirapan c vhen2.. Salamat ulit anak sa mahabamg panahon na lumaban ka hanggang dumating c papa dito sa bicol.. Sa lahat pu ng mga tao na patoy na naglaban din kasamaq at sa mga tumulong pati sa mga tumutulong pa salamat pu.. SA LAHAT PU NG MGA TATAY. NANAY ITO LNG PU MENSAHE SAINYO.. SA MGA TULADQ NA NAGTTRABHO SA IBANG LUGAR PARA SA KAnilang PQMILYA.. SANA PU HANGGAT MA AARI PU HANGGAT KAYA PU NATIN BUHAYIN ANG ATING PAMILYA SANA WAG NAPU TAYU AALIS SA LUGAR NATIN.. AYAWQ PU MARANASAN NINYO ANG NARANASANQ SA BUONG BUHAYQ NA YUNG MKKITA KO LNG PAMILYAQ KUNG KILAN WALA NAPUNG BUHAY.. MGA TATAY NANAY SANA PU HANGGAT MA AARI KASAMA NATIN PAMILYA NATIN AYAWQ MARANASAN NYU ANG NARANASANQ NA MKKITAQ ANAK KO NA WALA NA SYA.. AND SANA SA LAHAT NG TAO PU ANU MAN KAHIRAPAN PU.. WAG TAU SUSUKO HIGIT SA LAHAT PU MANALIG TAU SA PANGINOON ANU MAN PU ANG PROBLIMA ANJAN PU SYA.. HIGIT SA LAHAT TANGGAPIN PU NATIN ANG OANGINOON BILANG ATAING PANGINOON AT TAGA PAGLIGTAS PU SA ATING MGA PUSO.. HOPE PU NA MARAMI MKKABSA NITO SALAMAT.."
Larawan mula kay Joven

Sa kabila ng nararamdamang hinagpis ni Joven, lubos pa rin siyang nagpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya para makauwi ng ligtas sa Bicol.

Payo naman ni Joven sa mga kapwa nito magulang na hangga't maaari ay magtrabaho nalang sa lugar kung saan malapit sa pamilya.

****