The Daily Sentry: viral
Showing posts with label viral. Show all posts
Showing posts with label viral. Show all posts

AJ Raval, hindi kabet! Usapan nila ni Kylie Padilla, ibinida ng sexy star sa mga buma-bash sa kanya.

1:22 AM
Supalpal ang inabot ng mga basher ng sexy star na si AJ Raval matapos nitong isapubliko and convo nila ng ex-wife ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Isang screenshot ng pag-uusap nila ni Kylie Padilla ang pinangresbak ni AJ sa mga netizens na walang tigil na tinatawag siyang kabet at maninira ng pamilya.




Ito ay ibinahagi ni AJ sa isang Facebook post noong February 23. Narito ang mga nilalaman ng kanilang pag-uusap:

AJ: Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine.

Kylie: Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

AJ: Okay ako. Yes yes. Salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sa sayo sa inyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?

Aj Raval | Facebook


Kylie: Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag iisip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila.


Aj Raval | Facebook



Aj Raval | Facebook



Si Aj Raval na may tunay na pangalan na Janina Carly Buenoso ay ipinanganak noong September 30, 1995. Isa siyang kilalang Filipino sexy actress, Gaming content creator, at social media personality.
 
Siya ay anak ng sikat na action star na si Jerich Raval. Nakilala ng husto si Aj matapos itong lumabas noon sa FPJ's Ang Probinsyano at ngayon ay isa na sa mga bituin ng Vivamax.

Aj Raval | Facebook

Aj Raval | Facebook


Singer na si Kris Lawrence, dinepensahan si Alex Gonzaga: "And it’s not like his life is in danger cuz of some cake on the face"

7:34 PM




Bumuhos ang mga batikos sa social media star at TV personality na si Alex Gonzaga kasunod ng pagkalat ng video kung saa’y   naging bastos umano ito nang pahiran niya ng icing ng cake sa mukha ang waiter na nagsilbi sa kanyang birthday celebration.
 
Marami ang nadismaya sa naging asal ni Alex ngunit may ilan din naman na dumepensya para sa kanya.

 
Isa na dito ang singer na si Kris Lawrence, na kinainis naman ng mga netizens ang tila todo-depensa nito kay Alex.
 
Habang inuulan ng pagkondena ang inasal ni Alex ay naniniwala naman si Kris na puro nalang negatibo ang nakikita ng mga tao sa nangyari.




 
“People always have something negative to say. Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral will probably get ‘somehing’ after and a LOT of sympathy, Most recognition he ever got as a waiter,” ayon sa singer
 
 “So after all the noise, I’m sure he will be grateful that this happened. Looks like people just like to extract the negative out of things instead of positive.”dagdag pa ni Kris
 
Ang naging pahayag na ito ng singer ay di rin kinatuwa ng mga netizens dahil tila mas gusto pa niyang magpasalamat ang waiter na nangyari ito dahil sa atensyon na nakuha niya.*
 
Ayon pa sa isang netizen, “napaka-out of touch” umano sa layo ng simpatya sa sangkot na waiter ng sinabi ni Kris.
 
“1. “Most recognition he ever got as a waiter”?????? 2. “Im sure he will be grateful that this happened” ?????? OKAY WOW THIS IS JUST SO OUT OF TOUCH. Iba talaga pag privileged pwedeng apak-apakan ang mga tao 👏🏼👏🏼👏🏼,”  tirada ng netizen
 
“Yup. After all this controversy and noise is out of the way. Just watch,”  agad namang sagot ni Kris
 
Mayroon pang isang Instagram user na di makapaniwala na parang minumungkahi pa ng singer na tama ang ginawa ni Alex sa waiter.
 

“She was clearly tipsy and it all comes down to intention. She was probably trying to have ‘fun.’ It’s how each one perceives it. For all we know she probably already said sorry. I’m not justifying her actions, but I just don’t agree with everyone making it such a negative thing. It will all turn out Great though – that, I’m sure of. When he goes to work tomorrow…he’ll be ‘the man.’ And it’s not like his life is in danger cuz of some cake on the face,” paliwanag naman ni Kris sa kanyang mga naging pahayag
 

Pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay, sinaklolohan ni Whamos! Bahay, gamit at groceries, ipinangako ng vlogger.

10:15 PM
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Whamos Cruz ang kanyang pagbisita sa isang pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay sa Mendez, Cavite.

Sa tabi ng malalim na bangin kasama ang kanilang tatlong anak ay halos isang taon ng naninirahan sa ilalim ng tulay ang kawawang pamilya. Wala silang kuryente at tubig, natutulog lamang sa malamig na bato gamit ang manipis na kutson.




Ume-extra ng paglalaba at pagpa-plantsa ang butihing ina na si Me-an habang ang asawa naman nito ay namamasukan bilang janitor sa isang eskwelahan.

Delikado ang lagay ng pamilya dahil sa isang maling pagkakamali lang ng mga ito, lalo na ng mga bata ay maari silang mahulog sa malalim na bangin. Tanging ang manipis na kahoy lang ang nagsisilbing harang nila dito.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dahil hindi sapat ang kita ng mag-asawa, hindi na nila iniisip pa na mangupahan dahil kung gagawin nila ito ay maaaring wala ng matira sa kanila na pangkain.

Batid ni Whamos ang hirap ng sitwasyon ng pamilya dahil siya mismo ay nakaranas ng pagtitiis, dumudumi pa nga raw ito noon sa kanal dahil wala silang sariling palikuran.

Mula raw ng mapanood niya ang estado ng mga ito sa isa pang vlogger na si Kuya Leo Cares ay kaagad na nitong pinlano ang pagtulong sa pamilya.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dali-dali itong bumyahe mula Maynila patungo sa Cavite upang personal na iabot ang kaunting tulong at ihatid ang magandang balita kila aling Me-an.

Agad na binigyan ni Whamos ng makakain ang pamilya at binigyan ng limang libong piso para panggastos.

Matapos ang maiksing panayam ay hindi na ito nag atubili na alukin ang pamilya na lisanin na ang delikadong lugar at tumira sa mas maayos na tahanan.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Sasagutin na daw nito ang isang taong bayad sa upa kasama na ang pagbili ng ilang kagamitan tulad ng electric fan at groceries para sa pang araw-araw ng pamilya.

Laking pasasalamat naman ng mga ito sa biyayang natanggap mula sa vlogger sa pinangako nitong bagong buhay at bagong pag-asa para sa kanila.

Plano pa nitong bilhan ng mga bagong damit ang mag-anak nang sa gayon ay mas maayos nilang haharapin ang kanilang bagong panimula.

Lumisan si Whamos at iniwanan ang pamilya na may ngiti at baon baon sa kanilang puso ang pag-asa. Ang pangarap na makatakas sa madilim at malamig na ilalim ng tulay kung saan nagtiis silang manirahan ng pitong buwan.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook




Lumang de-keypad na cellphone, gamit ng isang estudyante para maka-selfie ang kanyang teacher.

12:54 AM
Marami ang na-touch sa tagpong ito kung saan isang grade 7 student ang nagpakuha ng litrato sa kanyang guro gamit ang kanyang lumang modelo ng selpon.

Mismong ang kanyang teacher na si Mark Anthony Tumbaga pa ang nagbahagi sa publiko ng bidyo ng pangyayaring ito sa kanyang social media account na TikTok.




Mapapanood sa video na in-upload ng guro ang paglapit ng kanyang estudyante habang sila'y nasa silid-aralan.

Masaya itong humiling sa guro ng selfie pic na walang atubili namang pinagbigyan ng kanyang maituturing na pangalawang magulang.

"Grade 7 students gustong magpapicture using di-keypad. Ayus lang nak," ani Mr. Tumabaga.

Sa dami nga naman ng mga mag-aaral ngayon na high-tech na ang mga gamit na cellphone ay natatangi ang pagmamay-ari ng estudyante na ito.

NUNAL KING PH

NUNAL KING PH


Kahit naman mumurahin ay tiyak na magagamit naman ang ganitong klase ng selpon para sa komunikasyon.

Pero hindi pa rin maihahambing sa ibang mga mamahaling cellphones na pwedeng magamit ng mga estudyante sa pagre-research at pag-edit ng mga projects.

Gayunpaman, matapos makapagpakuha ng litrato sa kanyang guro ay kitang-kita naman sa mga ngiti ng pobreng estudyante ang nadama nitong kasiyahan.

NUNAL KING PH

NUNAL KING PH


Ipinakita rin sa in-upload na video ni sir Mark ang resulta ng kanilang selfie na nakapagdagdag kiliti pa sa mga libu-libong netizen na napukaw ang damdamin sa tagpong ito.

"Yun lang kalahati ng muka ko nakuha" pabirong sabi ng guro.

Kahit na malabo o blurred ang kuha nila ang importante daw ay nakita niyang masaya ang estudyante niya.

Hiling naman ng mga netizens na sana'y mabiyayaan ng mas makabagong cellphone ang bata ngayong sasapit na kapaskuhan.

NUNAL KING PH


Mark Anthony Pi-is Tumbaga | Facebook



Isang lalaking customer sa drive thru ng fast food, pinaulanan ng mura ang babaeng manager: Mystery shopper daw

1:44 AM





Agad na nag viral ang isang video kung saan ay pinaulanan ng mura ng isang kostumer ang manager ng isang fast food chain.

 
Sa video ay nagalit ang lalaking kostumer nang pakiusapan siya ng empleyado na umabante muna dahil pitong minuto pa ang aantayin para sa kanyang order na pagkain at para maserbisyuhan ang iba pang nakapila sa drive thru.


 
Kapansin-pansin na malumanay na sumasagot at nagpapaliwanag ang manager sa lalaki na ise-serve na lang sa kanya ang order kapag ready na ito, ngunit galit na galit agad na sumagot ang kostumer.

 
Panay mura ang natanggap ng babaeng manager mula sa lalaki at pinagbantaan pa ito na matatangal ito sa trabaho kinabukasan.

 



“Tanggal ka na bukas. Drive thru to, bakit mo ako papunpuntahin don?” ayon sa lalaki na sinagot naman ng manager na 7 minuto pa bago lumabas ang order nito

 
“Ggo ka. Nagda-drive thru kayo papupuntahin mo ako doon?! Sa sampung order ko papunpuntahin mo ako don? Alam mo magkano gasolina? Nag-iisip ba kayo? Ggo ka. Manager ka? Kausapin mo mga tao mo ha. Kung wala kayong drive thru, patanggal n’yo na ‘to,” sagot naman ng lalaking nasa kotse *

 
Sa kada mura na ibabato ng kostumer ay “thank you” naman ang sagot ng babaeng manager at nangako na bibigyan nalang niya ng feedback ang kanyang mga crew.

 
Hiningi din ng lalaki ang calling card ng manager ngunit first name lang daw ang maaaring ibigay nito dahil na rin sa data privacy act.

 
Sa bandang huli ay nagpakilala ito na isa siyang mystery customer at pinangaralan ang manager na huwag nang paatabihin ang drive thru customer sa kalsada dahil hindi ito pag-aari ng fast food.

 
Bago umalis ang lalaki ay binalaan pa nito ang manager na kalmado pa rin hanggang sa huli na maghanap na ito ng trabaho kinabukasan mismo.




 
Maraming netizen ang galit na galit sa lalaki dahil sa pinakita nitong kayabangan at kung paan nito trinato ang babae.
 


Hinangaan naman ang manager dahil sa kanyang pagiging kalmado at professional habang kausap ang kostumer.