Bagong biling mamahaling motor halos maabo matapos sunugin dahil sa matinding inggit - The Daily Sentry


Bagong biling mamahaling motor halos maabo matapos sunugin dahil sa matinding inggit




Halos maabo at hindi na mapakinabangan ang matagal na pinagsisikapang bagong bili na motorsiklo na pagmamay-ari ng pamilya Hagtos mula Talakag Bukidnon. 


Ayon sa naging post ni Angel Joy Hagtos, pinag-iipunan ito ng kanyang Ina para lang mabili ng cash, ngunit hindi pa man nila ito nagamit ay nakita na lamang nila ito na natupok na ng apoy. 


Aniya, tumambad sa kanila ang natupok na motorsiklo nang magising sila umaga noong Marso 15. 



"Hustisya sa motor namin. 3 days palang to samin. Bakit niyo ginanito to. 😭😭 Pinagsisikapan to ni Mama para lang mabili to ng cash anong ginawa niyo,"


Humingi rin sila ng tulong sa mga taong posibleng nakasaksi sa kung sino man ang gumawa sa motor nila. 



"Kung sino man ang makakapagsabi sa kung sino ang gumawa nito may ibibigay kaming 20,000 na reward. Humihngi kami ng tulong sa inyo. Hustisya ang hanap namin,"


Malakas ang kutob nila Angel na matinding inggit ang pinag-uugatan sa masaklap na ginawa sa pamilya nila. 


"Sa mga naiinggit diyan. Ipagdadasal nalang namin kayo. Kasi ang motor at ang pera makikita pa. Darating din ang karma sa'yo. Ang Diyos nalang ang gaganti sa'yo,"    


Pinatunayan rin ng mga taga Fire Station maging ng mga Pulis na sa itsura ng nasunog nilang motorsiklo ay kita na sadya umano ang pagkagawa at pagkasunog nito. 


"Kung sino ka man gumawa nito, karma nalang babawi sayo. Sana di ka patulugin sa ginawa mo," 




Marami rin sa mga netizens ang hati ang mga opinyon hinggil sa sinapit ng kanilang biniling gamit. Ayon pa sa iba may posibleng problema sa mga wirings at ibang parte ng motor na naging sanhi ng pagkasunog.  


***

Source:  Angel Joy Hagtos

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!