Dahil mula sa broken family, Isang blessing para kay Marian ang pagkakaroon ng buo at masayang pamilya. - The Daily Sentry


Dahil mula sa broken family, Isang blessing para kay Marian ang pagkakaroon ng buo at masayang pamilya.



Sa isang ekslusibong panayam ng tanyag na celebrity hairstylist na si Celeste Tuviera kay Marian Rivera, ibinahagi ng aktres na ang pinakahihiling nito sa Diyos ay ang magkaroon ng buong pamilya.

"Sabi ko, Lord gusto ko magkaroon ako ng isang pamilya, isang asawa na magiging responsable at bibigyan ako ng anak. Kahit simpleng buhay basata masaya at buo."







"Kasi coming from a broken family, isa 'yan sa mga wish ko talaga at pinapanalangin ko talaga ng taimtim 'yan." Sabi ni Marian.

Hindi mahalaga ang estado ng pamumuhay kahit pa isa sa mga pinak tanyag na aktres si Marian, ang mas importante rito ay ang kalagayan at estado ng kanyang pamilya.

Ayon pa sa aktres ay walang espesyal na pakiramdam o "spark" sa pagitan nila ng asawang si Dingdong Dantes. Minsan daw pala talaga, hindi mo alam na yung ipinagdarasal mo ay ibinigay na at nandyan lang sa tabi mo.

Marian Rivera | Facebook

Marian Rivera | Facebook


"Si Dong talaga 'yong pinakasagot sa mga prayer ko na nandyan lang pala."

"Kakapanalangin ko talaga at maraming mga signs na binibigay si Lord sa akin na si Dong talaga 'yong nandoon. Siya talaga."

Ikinuwento rin nito kung paano magmahalan ang dalawang anak na sina Maria Letiza Dantes at Jose Sixto IV.

"I love Sixto more than my life!" ayon daw sa batang si Zia.

Marian Rivera | Facebook

Marian Rivera | Facebook


Habang ang batang si Sixto naman daw ay lubos ang paghanga sa kanyang ate kaya halos lahat ng ginagawa nito ay ginagaya niya.

Tinawag na "Royal Wedding" ang kasalan ni Dingdong Dantes at Marian Rivera noong taong 2014 sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Quezon City.

Ayon kay Marian, lahat ng dumalo sa kanilang kasal lalo na sa mga ninong at ninang ay mahalaga at importante sa buhay nila.

Marian Rivera | Facebook

Marian Rivera | Facebook