John Lapus, kilala raw ang troll na tinutukoy ni Vice Ganda - The Daily Sentry


John Lapus, kilala raw ang troll na tinutukoy ni Vice Ganda



Sa noontime show na ‘It’s Showtime’, ibinahagi ni Vice Ganda ang tungkol umano sa kilala niyang naging troll dahil kailangan na kailangan nito ng pera.
John Lapus and Vice Ganda / Photo credit to the owner

Binanggit ito ni Vice habang nagchichikahan sila ng co-hosts na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid nitong Martes, Abril 26.

Ayon kay Vice, mabait naman ang taong ito ngunit pumayag itong maging troll dahil sa pagiging gipit at walang trabaho.

Pumayag raw itong manira nang manira sa social media bilang trabaho.

Sa totoong buhay hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. Ta’s nalaman ko troll siya. Trabaho kasi wala siyang pera eh. Ginawa niya ‘yun, kumapit siya doon kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” pagbubulgar ni Vice Ganda.
Vice Ganda / Photo credit to the owner
Vice Ganda / Photo credit to the owner

“Masakit man pero yung ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin. Hindi man katanggap-tanggap pero wala siyang choice,” dagdag pa niya.

Mabait naman ‘yan eh, pero ngayon magugulat ka na lang talaga. ‘Yung mga post niya, ta’s nalaman naming troll pala siya.

Samantala, niretweet naman ng komedyante-direktor na si John Lapus ang video clip ng kwento ni Vice Ganda.

Eto ang dahilan kung bakit hindi ako nagrereact sa kanya itag nyo ako. Alam kong trabaho lang,” saad ni John.

Kahit na walang binanggit o pinangalanan na tao si Vice, mabilis na ipinagpalagay ng mga netizens na ang tinutukoy niya ay si Juliana Pariscova Segovia, na nagsimula bilang grand winner ng Miss Q&A season 1 segment ng ‘It’s Showtime’.

Subalit agad na nag-react si Juliana sa bintang ng mga netizens.

Sa Facebook post ng direktor na si Darryl Yap, kilalang supporter ng UniTem, at direktor ng VinCentiments na nagdirehe ng mga ‘Lenlen series’, ibinahagi nito ang mga screenshots ng pag-uusap nila ni Juliana.




Kamakailan ay kumalat rin sa Facebook ang balitang may utang na P300k si Juliana. Dahil dito ay nag-ambagan ang mga UniTeam supporters para makalikom ng sapat na halaga upang maipambayad ng komedyante.

Isang makahulugang Facebook post gamit ang pahayag ni Vice ang ibinahagi rin ni Juliana kasunod ng pahayag ng host.

Matatandaang nilinaw na ni Juliana na maayos ang ugnayan nila ni Vice at nakiusap pa siya sa publiko na huwag gumawa ng pekeng balita para pagsabungin silang dalawa.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Vice Ganda tungkol dito.


***