Netizen, humihingi ng tulong para mahanap ang nawawalang kamag-anak na isang dekada ng nawawala - The Daily Sentry


Netizen, humihingi ng tulong para mahanap ang nawawalang kamag-anak na isang dekada ng nawawala



Kamakailan ay mabilis na nag-viral sa social media post ng bagong ABS-CBN reporter na si Izzy Lee matapos siyang makatanggap ng ‘free hug’ mula sa isang street dweller habang nakasalang na siya sa kaniyang trabaho.
Photo credit: Patricia Macaldo

So this happened at work today. A free hug,” saad ni Lee sa caption ng kaniyang Facebook post.

Samantala, humihingi naman ngayon ng tulong ang netizen na si Patricia Macaldo para mahanap ang kanyang tiyahin na mahigit isang dekada ng nawawala.

Si Nena Liboon Pangilinan ay noong 2008 pa nawawala ayon kay Patricia.
Photo credit: Izzy Lee / ABS-CBN
Photo credit: Izzy Lee / ABS-CBN

Malakas umano ang pakiramdam ni Patricia na ang kanyang tiya ang street dweller na yumakap sa reporter na si Izzy.

Panawagan ni Patricia na kung sinuman ang makakita sa kanya ay kontakin lamang siya sa kanyang Facebook account.
Photo credit: Patricia Macaldo
Photo credit: Patricia Macaldo
Photo credit: Patricia Macaldo

Sa kanyang Facebook account may ibinahagi siyang post ni Sunshine Azarcon noong 2016, kung saan nanawagan din ito sa pagkawala ni Nena noong 2008 sa Cavite.

Narito ang buong post ni Patricia:

“Tita nena sana ikaw nayan sana makita kana namin sobrang tagal ka namin hinihintay na umuwe at hinanap kadin ng mga kapatid mo si lola bago pumanaw alam kong gustong gusto ka nya makita kapg naluluwas ako pa manila lahat tlaga ng mga palaboy tinitingnan ko nagbabakasakali tlaga akong makita ka pero wala kung sno man po may alam or nakakita sa kanya plss po pm nyo po kami sobrang miss na namin ang tita namin halos mahigit isang dekada na syang nawawala plsss po sana makita na namin sya ramdam ko ikaw tlaga yan.”

Photo credit: Patricia Macaldo
Photo credit: Patricia Macaldo


***