Pangmalakasang kuhang mga larawan sa kasal hagalpak na goodvibes ang hatid sa mga netizen sa social media - The Daily Sentry


Pangmalakasang kuhang mga larawan sa kasal hagalpak na goodvibes ang hatid sa mga netizen sa social media






Kailanman hindi nauubusan ng sangkaterbang kakulitan at mga patawa ang mga Pinoy. Kahit sa ano pa mang klaseng mga sitwasyon ang kinakaharap hindi nawawalan ng mga gimik at pampa goodvibes. 


Katulad nalang ng isang viral post ngayon sa social media na kinagigiliwan ng mga netizens dahil sa binibigay nitong aliw na maging ang mga ibang lahi ay napapatawa at napapa share sa post.


Sino ba naman ang hindi mapapatawa sa naging post ni Jonathan Bergado tungkol sa mga kuhang larawan mula sa isang wedding reception na animoy may kakaibang teknik at mga effects siyang ginamit sa pagkuha ng mga larawan.  



Nagpapasalamat rin ito sa tiwala na binigay ng bagong kasal sa kanyang mga pang malupitang kuha. 


"Congratulations to our Newlywed, Mr. and Mrs. Felias. My first wedding photography, thank you for trusting Pitik ni Donskie,"



Ipinagmalaki at pinopromote pa ni Jonathan na sa murang halaga ng kanyang serbisyo hinding-hindi na mapagsisihan ang kalidad at mga magaganda niyang kuha. 


"Sa inyong maliit na bayad, hindi kayo magsisisi,"


Pahabol pa niya para sa mga taong nakuhanan niya "kayo nalang maghanap sa mga mukha niyo,"


Imbes na ikakagalit at simangot ang hatid nito, apaw na good vibes pa ang nangingibabaw na dulot nito sa social media. Hagalpak rin sa tawa ang mga komento ng netizens: 


Ayon kay Citadel Yape Cidro, "Muntik ko nang makita, mukhang msaya nmn sila 😅😅,"


Sabi naman ni Manilyn, "Naka negative pa to. Pa recopy mo muna yan bago ipost hahahhahahaha 🤣🤣🤣🤪,"


"May ihaw-ihaw ihaw b cla jan?," komento ni Vian Estorninos


Sabi naman ni Charie Lee Abayari "Sa sobrang linaw muntik ko na silang makita 🤣," 


"Eto ang tunay na vape shop," saad ni Mark Lester Galvez


"Ung natupad na pangarap mo kaso panaginip lng pala 😂," aliw na komento ni Teejay Marquz Gray


Narito ang mga kinagigiliwang mga kuhang larawan: 





























Nilinaw naman ng isang kaibigan ni Jonathan na si Brielly-June Dela Cruz Villanueva sa kanyang naging komento sa isa sa mga netizens na hindi nakuha ang punto sa kung ano ang nais ipabatid ng naturang post, "For Fun lang to Miss hehe. Mapagbiro lang talaga tong kaibigan namin kaya nag viral. hahaha," 


Narito ang totoong kuhang mga larawan sa ginanap na kasalan: 








***

Source:  Jonathan Bergado

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!