"UTOT for SALE!" Isang sikat na Amerikana ang kumita ng $200,000 dahil sa pagbebenta ng kanyang utot. - The Daily Sentry


"UTOT for SALE!" Isang sikat na Amerikana ang kumita ng $200,000 dahil sa pagbebenta ng kanyang utot.



Ginulat ni Stephanie "Stepanka" Matto ang social media at kanyang mga followers nang ito'y magsimulang magbenta ng kanyang mga utot online!

Isang sikat na YouTuber at nakilala sa reality show na 90 Day Fiancé, ang 31 anyos na si Stephanie ay mas lalong napagusapan dahil sa pagbunyag nito ng kanyang kakaibang negosyo at kung gaano kalaki ang kinita niya dito.




Aniya, "Due to popular demand, I have finally decided to start selling my jarred farts."

Nagagalak man ito sa pagbubukas ng panibagong yugto sa kanyang buhay, aminado si Stephanie na hindi niya inaasahang seseryosohin ng mga tao ang kaniyang negosyo. Gayunpaman dahil sa hiling ng kanyang mga taga-hanga ay ipinagpatuloy nito ang pagbebenta ng kanyang utot.

"I always thought that was a complete joke," sambit nito.

Stephanie Matto | Facebook

Stephanie Matto | Facebook


At sa hindi inaakalang pagkakataon, naging matagumpay ang unang linggo ng pagbebenta niya ng utot na nasa garapon.

Sa halagang $1000 kada isang garapon, kumita agad ng halos $50,000 o mahigit 2 milyong piso si Stephanie dahil sa lagpas 100 pirasong garapon na naibenta nito.

Sold out! at mabilis nauubos ang mga paninda nito kaya naman pinutakti ito ng batikos at mga katanungan. Isa sa mga naging sagot nito ay kung gano karaming utot ang kanyang nagagawa?

Stephanie Matto | Facebook

Stephanie Matto | Facebook


Aniya, kaya niyang umutot ng 97 beses sa loob ng dalawang araw.

Ibinabahagi rin nito sa kanyang mga followers ang mga proseso at diet na kanyang ginagawa para mapanatili ang supply na kanyang ibinebenta.

Nilagang itlog, beans at yogurt ang madalas kaninin nito bilang preparasyon at hilig niya  ang pagbabasa ng libro habang naghihintay na madevelop sa tiyan hanggang sa mailabas nito ang kanyang mga paninda.

Stephanie Matto | Facebook

Stephanie Matto | Facebook


Kasama sa loob ng garapon ang ilang pirasong flower petals upang makatulong sa pagpepreserba at isang personalized note mula kay Stephanie.

Marami ang tumangkilik at tumaas ang demand ng kanyang paninda hanggang sa tumabo umano sa $200,000 ang kanyang kabuuang kinita dito.

Ngunit makalipas ang ilang linggo ay na-ospital si Stephanie. Ayon di umano sa mga doktor ay naapektuhan ang kanyang kalusugan dahil sa kanyang ginagawang diet at labis na pag utot.

"It was made clear that what I was experiencing wasn’t a stroke or heart attack but very intense gas pains"

Sa ngayong ay pansamantala itong tumigil sa kanyang negosyo ngunit malaki pa rin ang paniniwala ng ilan na muli itong babalik sa pagbebenta ng utot.

Stephanie Matto | Facebook

Stephanie Matto | Facebook