Andrea Brillantes, tinanggalan umano ng libreng serbisyo sa isang salon matapos tawaging b*b* ang mga BBM supporters - The Daily Sentry


Andrea Brillantes, tinanggalan umano ng libreng serbisyo sa isang salon matapos tawaging b*b* ang mga BBM supporters



Ayon sa beteranang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis, tinanggalan umano ng libreng serbisyo sa isang salon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang pagtawag niya ng b*b* sa mga supporters ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Andrea Brillantes / Photo credit: Cosmo

O nakita mo na kung ano nangyari sa pagiging atrebida ni Andrea Brillantes ? Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service inalis raw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM,” sabi ni Manay Lolit. 

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Manay Lolit na kung big star sana si Andrea ay baka napalampas pa ng may-ari ng salon ang kanyang mga sinabi.

“Kung big star si Andrea baka pinalagpas pa iyon, pero dahil isang wala naman ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya.”
Manay Lolit Solis / Photo credit: The Philippine Star
Andrea Brillantes / Photo credit to the owner

“Sabi ko nga, lahat kaya mo pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo,” dagdag niya.

Ani Manay Lolit, dapat raw ay inaalam muna ng isang tao ang kanyang lugar at level bago magbitaw ng anumang salita. 

“Know your place, your ranking , your level , bago ka magbitaw ng anuman salita. Palagay ba ni Andrea Brillantes nakatulong siya kay Leni Robledo ? Baka nga nakabawas pa siya ng boto.”
Andrea Brillantes / Photo credit: ABS-CBN
Andrea Brillantes and VP Leni Robredo / Photo credit to the owner

Dahil sa nangyari, "baka manatili kang Bituin Walang Ningning Andrea Brillantes, hanap ka na lang uli ng free make up service, sayang din iyon libre, hah hah hah. Or else, manghiram ka na lang ng make up sa mga Pink ladies, mas bongga.”

Narito ang buong post ni manay Lolit:

“O nakita mo na Salve kung ano nangyari sa pagiging atrebida ni Andrea Brillantes ? Pati salon daw kung saan nakakakuha siya ng libreng service inalis raw siya dahil sa pagtawag niyang bobo sa mga supporters ni BBM. Kung big star si Andrea baka pinalagpas pa iyon, pero dahil isang wala naman ningning na baguhan, talagang snob ang treatment sa mga arte niya. Sabi ko nga, lahat kaya mo pag meron kang star power, pero kung isa ka lang wannabe hindi ka nila palalagpasin sa mga kagagahan mo.Know your place, your ranking , your level , bago ka magbitaw ng anuman salita. Palagay ba ni Andrea Brillantes nakatulong siya kay Leni Robledo ? Baka nga nakabawas pa siya ng boto. Now, aral na ito para sa lahat, tutoo, ipaglaban mo ang choice mo, huwag kang patalo. Pero maging maingat ka rin at sana nakatulong ka nga sa gusto mong kandidato. Saka huwag OA, tignan mo, mukha kang engot dahil hindi ka sineseryoso, kasi nga , susuporta ka pa lang OA ka na, di lalo na pag nanduon ka na. Baka manatili kang Bituin Walang Ningning Andrea Brillantes, hanap ka na lang uli ng free make up service, sayang din iyon libre, hah hah hah. Or else, manghiram ka na lang ng make up sa mga Pink ladies, mas bongga.”


***
Source: KAMI