Babaeng ipapaputol umano ang kanyang mga paa kapag nanalo si BBM, humingi ng sorry - The Daily Sentry


Babaeng ipapaputol umano ang kanyang mga paa kapag nanalo si BBM, humingi ng sorry



Siguradong sigurado na ang pagkapanalo ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos itong makakuha ng lagpas sa 31M votes.
Faith Ann Ruso / Photo credit to the owner

Ang sumunod kay BBM ay si Vice President Leni Robredo na nakakuha naman ng mahigit 14M na boto.

Samantala, bago pa dumating ang petsa ng eleksyon ay marami na ang mga tagasuporta (kakampink) ni Robredo na nagsasabing ilalampaso nila si BBM.

Isa na rito ay ang netizen na si Faith Ann Ruso kung saan ipinagmalaki niyang ipapuputol umano niya ang kanyang mga paa kapag nanalo bilang presidente si Marcos.
Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

PapaPUTOL ko po DALAWANG PAA ko kpag NANALO yn c BBM NGIWE mark my WORD,” post ni Ruso.
 Photo credit to the owner

Sa pagkapanalo ni Marcos, maraming netizens ang umaasa na gagawin ni Ruso ang kanyang mga sinabi.

Sa Facebook, kumalat ang post ni Ruso kung saan humihingi ito ng tawad dahil sa kanyang mga sinabi. Aniya, hindi raw totoo na ipapaputol niya ang kanyang mga paa. Nadala lamang raw siya ng kanyang emosyon.

Narito ang kanyang buong post:

“Sa lahat po nang sinabi ko. Humihingi po ako nang sorry sa inyu, Hindi ko naman po talaga gagawin na puputulin ko Yung dalawang paa ko eh, nadala lang po ako sa emotions. Lahat naman po tayo diba nag Idolize ung mga kandidato natin. Sana naman po respect nlang po sana. I am very very sorry.”

Hindi ko po talaga puputulin ung mga paa ko. never never never !! # emotional damage

At Sana po itigil nyo na po pang ba-bash sakin nasa depresi0n stage napo ako, Sana po.

Please naman po,”
Photo credit to the owner

Narito naman ang iba pang netizen na nagbitaw ng salita kung sakaling manalo si Marcos.

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner