"Hipon Girl" Herlene Budol, pinapatira ni Willie Revillame sa isang unit sa kanyang Wil Tower! - The Daily Sentry


"Hipon Girl" Herlene Budol, pinapatira ni Willie Revillame sa isang unit sa kanyang Wil Tower!



Nabanggit nga ng isa sa pinaka maimpluwensiyang host sa kasaysayan ng Pilipinas na si "Kuya Wil" Willie Revillame na bibigyan niya muna ng bahay ang dating co-host nito na si Herlene Budol o mas kilala bilang "Hipon".

Upang hindi na raw magbayad sa kanyang inuupahang apartment, minabuti ng sikat na host na manatili na lang muna ang isa sa mga kandidata sa paparating na Binibining Pilipinas na si Hipon, sa kanyang Wil Tower.




Dahil malapit sa siyudad ang kinatitirikan ng gusali na pagmamay ari ni Willie, mas mainam aniya kung dito mananatili si Herlene para mas makatipid ito sa gas dahil sa dami ng mga pinupuntahan at inaasikaso nito para sa sinalihang patimpalak na Binibining Pilipinas 2022.

Pasok si Herlene Nicole Budol sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas bilang si Binibini 8 na magrerepresenta sa lugar ng Angono, Rizal.

Herlene Hipon | Youtube

Binibining Pilipinas | Facebook


Umingay ang pangalang "Hipon Girl" sa programa ni Willie Revillame na "Wowowin" dahil sa angking husay nito sa pagpapatawa.

At ayon sa iilan, ito na ang muling pagkikita ng dalawa matapos mawala ni Herlene sa programa ni Kuya Wil dahil sa pandemya.

Bukod sa alok na tirahan sa kanyang Wil Tower, sa kanilang panayam ay nagbigay din ng payo ang batikang host kay Hipon.

Herlene Hipon | Youtube

Herlene Hipon | Youtube


"Be yourself. Kung ano ka, kung ano ’yung sinimulan mo sa ‘Wowowin,’ ’yon ka. ’Pag tinanong ka na mag-English, meron kang interpreter. Joke lang ’yon pero be yourself,"

"I am Filipina. Gusto ko sagutin ’to na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner. Gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung anong dapat nilang maintindihan." ani Kuya Wil.

Binibining Pilipinas | Facebook

Binibining Pilipinas | Facebook


Marami man ang bumatikos nang lumabas ang balita na siya ay lalahok sa nasabing kompetisyon, lalong lumakas ang loob ni Nicole na harapin ang hamong ito, matapos magpakita ng suporta ang itinuturing niyang kuya sa industriya, pati na rin ang mga malalapit nitong kaibigan.

Kaya, tuloy ang laban ni Hipon tungo sa pagkamit nito sa matagal na niyang pinapangarap, ang maging isang beauty queen!

Binibining Pilipinas | Facebook