Presyo ng turon at iba pang mga pagkain sa isang sikat na Isla, kinawindang ng mga netizens - The Daily Sentry


Presyo ng turon at iba pang mga pagkain sa isang sikat na Isla, kinawindang ng mga netizens






Nasubukan mo na bang kumain ng banana spring roll na may kasamang ube ice cream o mas kilala sa tawag na turon na nagkakahalagang P750?
 
Maraming netizens ang nawindang sa larawang kumakalat ngayon sa social media kung saan ay makikita ang mga presyo ng mga simpleng pagkaing Pinoy sa mamahaling Amanpulo Clubhouse.

 
Ang karamihan pa sa mga pagkaing nasa menu ay makikita mo sa mga karinderya o mga simpleng kainan.




 
Kumalat sa Facebook ang larawan ng isang pahina umano sa menu ng nasabing mamahaling resort island na binahagi ng isang netizen bilang katuwaan.
 
Sa mga sandwiches, ang presyo ng clubhouse sandwich na Grilled chicken, white toast, bacon, lettuce, tomato, at omelet guacamole ay ₱1,350.
 
Meron ding roasted chickpea gyros na nasa pita at mayroong tzatziki, romaine, red onion, at parsley, ito naman ay nagkakahalaga ng ₱950.
 
Samantala ang Amanpulo burger naman na gawa sa 200g home ground wagyu patty ay may presyong ₱2,100, Ito ay mayroong bacon, lettuce, tomato, cheddar cheese, cornichons, at onion jam.
 
₱850 naman ang buko pie na pang himagas na mayroong sangkap na young coconut tart, condensed milk, coconut sorbet, at cashew nuts crumble. *




 
Maliban sa buko pie ay mayroon ding desert na tinatawag na pumpkin fritelle na gawa sa sweet squash fried cakes, pandan creme, at dark chocolate dip.
 
Kasama din sa menu ang lle flotante o mango creme anglaise na may sago, dried pomelo, cloud meringue, passion fruit sorbet na mabibili sa halagang ₱700.
 
Samantala ang ice cream naman ay ₱300 kada scoop at ang turon na may ube ice cream ay tumataging-ting na ₱750.

 
Kasabay ng pag trending ng nasabing larawan ng menu ay ang kontrobersya naman na sa Amanpulo daw gaganapin o ginanap ang ‘victory party’ ni presumptive President Bongbong Marcos Jr.
 
At dahil maninit pa rin ang usaping politika sa social media ay samu’t sari ang nagging reaksyon ng mga netizens ukol dito.




 
Hindi maiiwasan na mayroong negatibong komento laban sa mga Marcos at sympre marami din naman ang dumipensa.