Anghel sa lupa! Kilalanin ang half-sister ng mga anak ni Ruffa Gutierrez kay Yilmaz Bektas - The Daily Sentry


Anghel sa lupa! Kilalanin ang half-sister ng mga anak ni Ruffa Gutierrez kay Yilmaz Bektas





Nakatutok ngayon ang sambayanan sa dalawang anak ni Ruffa Gutierrez upang subaybayan ang journey sa Turkey ng kanyang mga dalaga para makipag-reunite sa kanilang tatay na si Yilmaz Bektas makaraan ang ilang taon. 


Maaalalang umuwi ng Pilipinas ang aktres na si Ruffa Gutierrez noong 2007 nang magdesisyon syang hiwalayan ang dati nyang mister na si Yilmaz. Aniya, ang naturang desisyon ay bunsod ng emotional at physical abse umano na idinulot ni Yilmaz sa kanya. Taong 2012 nang maging opisyal ang paghihiwalay ng dalawa sa pamamagitan ng annulment. 



Ngunit pagkalipas ng halos dalawang dekada o 15 taon, tila natuldukan na ang hindi pagkakasundo ng magkabilang kampo. 


Kamakailan lamang ay tumulak papuntang Istanbul, Turkey ang magkapatid na si Lorin at Venice Bektas para kitain ang kanilang Turkish father na si Yilmaz na nawalay sa kanila ng napakatagal na panahon, dahilan para mag-trending ang magi-ina sa social media.


Subalit may iba pang dahilan kung bakit sa kasalukuyan ay nakatutok ang mga netizen sa nasabing pamilya. 



Bukod kasi sa nakakaantig na tagpo ng maga-ama sa Turkey para sa kanilang long overdue reunion, pumukaw rin sa atensyon ng netizens ang mga kamag-anak ng magkapatid sa father side, partikular na ang kanilang half-sister na pure Turkish. 


Kilalanin si Ilknaz Lauren Bektas, ang half-sister ate ni Lorin, 18 years old, at Venice, 17 years old. 



Ngayon ay 23-taong gulang, si Ilknaz ay anak ni Yilmaz sa Turkish actress at pop star na si Selen Görgüzel Alkan.


Base sa mga video at larawan na ibinahagi ng magkakapatid sa social media, hindi maipagkakaila na iisa ang ama nilang tatlo.



Ang mala-modela na half-sister ng dalawa ay nagtatrabaho bilang art dealer sa Istanbul.


Sa kanyang Instagram photos, kitang-kita na si Ilknaz ay isang explorer na mahilig sa fashion at isa ring pet lover. 




Nagtapos ng kursong Architecture noong 2020, muling bumalik sa eskwelahan ang dalaga upang mag-aral naman ng kursong Design and Visual Communication sa taong kasalukuyan. 




Samantala, sa mga na-post na larawan ni Lorin at Venice ay makikitang enjoy na enjoy ang magkapatid sa Turkey at tila sinusulit ang kanilang bakasyon doon. Makikita rin sa ilan sa kanilang mga Instagram posts ang komento ng kanilang ate na napaka-supportive. 


Sa kabilang banda, kahit ibinahagi sa media ni Ruffa na nagkausap na sila ni Yilmaz, wala namang kompirmasyon mula sa Kapamilya actress kung pupunta rin sya ng Istanbul.