Dennis Padilla, dismayado dahil hindi nakatanggap ng "Happy Father's Day" na pagbati mula sa mga anak. - The Daily Sentry


Dennis Padilla, dismayado dahil hindi nakatanggap ng "Happy Father's Day" na pagbati mula sa mga anak.



Sa isang Instagram post, na ngayon ay burado na. Ibinunyag ni Dennis Padilla na hindi siya binati ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto noong nagdaang Father's Day, June 19, 2022.

Ramdam ang pagkadismaya ng aktor na si Dennis sa mga post nito na matapos mag-viral ay agad namang binura ng komedyanteng si Padilla.




Naunang ibinahagi ni Dennis ang lumang larawan nila ng kanyang anak na si Leon.

Kasama sa larawan ang mensahe nito sa anak na: "Leon… You forgot to greet me last sunday … hehe… Love you ingat… [praying hands, heart emojis]"

Kasunod naman ang larawan ng dalawang babae nitong anak na sina Julia at Claudia, kalakip ang maiksing pahayag nitong: "Miss you both… You forgot to greet me last Sunday… Hehe! Love you… God bless you more [praying hands, heart emojis]"

ctto | dennisastig

ctto | dennisastig


Sapul din ng News5 ang Instagram post ni Dennis Padilla dahilan para ibahagi rin nila ito sa kanilang Facebook page.

"Ipinarating ni Dennis Padilla sa social media ang mensahe niya sa mga anak na sina Julia, Claudia at Leon na hindi umano siya binati noong Father's Day."

Matatandaang noong July 2014 ay labis ring sumama ang loob ng aktor sa plano ng anak nitong si Julia na tuluyan ng hindi gamitin ang tunay na apelyido nitong Baldivia.


News5 | Facebook
                                    
                                                                                            Dennis Padilla | Facebook


Umabot pa ang petisyon sa korte upang legal nang gamitin ni Julia ang apelyido ng inang si Marjorie na Barretto.

Hindi naman napigilan makisimpatya sa aktor ng ilang magulang na netizens ukol sa isyu ng hindi pagbati kay Dennis ng mga anak nito.

Samantala, nag-post naman si Julia Barretto sa kanyang IG story noong Linggo ng larawan nila ng kanyang sweetheart na si Gerald Anderson kasama ang alaga nitong aso, kalakip ng larawan ang caption na 'Happy PAWther's Day'.



Julia Barretto | IG

Dennis Padilla | Facebook



Source: Pep.ph