Ruffa, nagbahagi ng nakakaiyak na video ni Yilmaz habang nagpapaalam sa dalawang anak sa Airport - The Daily Sentry


Ruffa, nagbahagi ng nakakaiyak na video ni Yilmaz habang nagpapaalam sa dalawang anak sa Airport



 

Screenshots mula sa Instagram ni Ruffa


Kamakailan lang ay naging emosyonal ang aktres na si Ruffa Gutierrez nang ihatid ang mga anak na sina Lorin and Venice sa Airport para sa reunion ng mga ito sa kanilang amang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.


Labindalawang araw ang mabilis na lumipas at ngayon naman ay pabalik na ng bansa ang kanyang mga anak mula sa Turkey.



Binahagi naman ni Ruffa ang video ng mas madamdaming paghihiwalay ng mag-aama sa Airport kung saan yakap-yakap ni Yilmaz ng mahigpit ang dalawang anak.


"12 days with their father after 15 years of not seeing each other was certainly a trip Lorin and Venice will never forget for the rest of their lives. I can’t wait to hear all about it when they get home in time for my birthday." Ayon sa panimulang caption ng post ng aktres


Matapos ang ilang sandaling mag-kakayakap ang mag-aama ay sumali din ang babaeng kapatid ni Lorin at Venice sa video.


Screenshots mula sa Instagram ni Ruffa


Maraming netizens ang naantig sa nakakaiyak na video na binahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram account.


Nagpasalamat din si Ruffa sa kanyang mga kaibigan at followers sa kanilang mga mensahe. Payo ng aktres, ireach-out ang mga mahal sa buhay na nakaalitan o hindi nakikita at nakakasama, dahil habang nabubuhay ka, laging may-asa na maging maayos ang lahat. *


"To my friends and followers, thank you for your messages. I may not be able to answer to all but know that I am grateful for each and everyone of you." aniya


"To families going through similar experiences, thank you for sharing your heartwarming stories with me. Reach out to your estranged loved one today and remember that as long as you’re alive, there’s always hope. May your past no longer block your view of the present." Dagdag pa ng aktres


Screenshots mula sa Instagram ni Ruffa



Sa kanyang caption, taos-puso ring pinasalamatan din ni Ruffa si Yilmaz at ang buong pamilya nito.


"To Yilmaz, Annem, Babam, Kesra, Nazo, Handan and to the Bektas family…her şey için çok teşekkür ederim(thank you for everything). Till next time…" mensahe ni Ruffa



Si Ruffa Gutierrez ay dating asawa ni Yilma Bektas na isang Turkish business tycoon. Ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng dalawang anak na babae, na sina Lorin at Venice.