Isang babae, nagpapayat at nagpaganda matapos iwan ng kasintahan dahil sa mabigat na timbang nito - The Daily Sentry


Isang babae, nagpapayat at nagpaganda matapos iwan ng kasintahan dahil sa mabigat na timbang nito




Larawan mula kay Majel Santiago

Tila nga nagiging kaugalian na ng ilang Pinoy na mang-asar at tawagin ang kanyang kapwa na baboy, balyena ang mga babaeng may kabigatan ang timbang o matataba ang katawan.


Dahil sa kaugalian na ito, dumarami ang bilang ng mga taong mabababa ang self-confidence o mababa ang tiwala sa sarili dahil sa mga natatanggap na pangungutya sa ibang tao.


Mayroon din naman iba na imbes na panghinaan sa mga pangmamaliit ng iba ay ginagamit nila ito bilang kanilang motivation upang maabot ang kanilang pinapangarap na katawan.


Kung kaya naman tunghayan ang kwento ng buhay ng isang netizen na si Majel Santiago kung saan ay kaliwa't kanan ang kanyang natatanggap na panlalait dahil siya ay may kabigatan ng timbang.

Larawan mula kay Majel Santiago

Larawan mula kay Majel Santiago

Ayon sa kanyang Facebook post, iniwan siya ng kanyang dating kasintahan dahil siya ay mataba. Isang dahilan ito kung bakit nagpursigi siyang magpapayat at maging sexy ang katawan.


Ipinakita nito ang kanyang mga litrato noong siya pa ay tumitimbang ng 85kg at ang mga pinakabago niyang litrato na tumitimbang na lamang ng 50kg.

Larawan mula kay Majel Santiago

Larawan mula kay Majel Santiago

Kwento ni Majel, napabayaan niya ang kanyang katawan at tumaba siya ng husto noong mga panahong na-stress siya sa kanya dating kasintahan, kasabay na rin ng unhealthy lifestyle at kanyang mga bisyo.


Kaliwa't kanan ang kanyang natatanggap na pangungutya sa personal at sa social media maging ang kanyang mga mahal sa buhay ay nag-aalala na sa kaniyang hindi mapigilang paglobo ng katawan.

Larawan mula kay Majel Santiago

Larawan mula kay Majel Santiago

Ayon pa kay Majel, madalas ay pati ang kanyang minamahal ng kasintahan ay nilalait siya at sa tingin niya ay ito ang isa sa dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.


Dahil sa mga natatanggap ni Majel na panglalait ay naisipan nitong palitan na ang kaniyang unhealthy lifestyle.


Unang una ay para na rin umano maging healthy ang kanyang katawan at nais daw umano niyang ibalik ang kanyang confidence sa kanyang sarili.

Larawan mula kay Majel Santiago

Larawan mula kay Majel Santiago

Hindi madali para kay Majel ang sakripisyo na ito ngunit nagpursigi at naglaan ng matindding disiplina sa sarili upang maaabot ang kanyang pinapangarap na katawan.


Nagbawas ng kanin, itinigil ang bisyo tulad ng paninigarilyo at paginom ng alak at higit sa lahat ay sinabayan niya ito ng dasal dahil hindi nga naman madali ang magbawas ng timbang dahil kailangan dito ng matinding disiplina sa katawan.


Ngayon ay talaga namang maituturing na sexy na at wala ng taba ang kanyang katawan dahil sa kanyang pagsasakripisyo.

Larawan mula kay Majel Santiago

Larawan mula kay Majel Santiago

Larawan mula kay Majel Santiago

Ibinahagi ni Majel ang kanyang kwento sa social media upang maging isang inspirasyon para sa iba na nagbabalak din na magbawas ng timbang.


***