Julia, Claudia, at Leon Barreto, naikumpara umano ng mga netizen sa mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice - The Daily Sentry


Julia, Claudia, at Leon Barreto, naikumpara umano ng mga netizen sa mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice







Kamakailan lang ay naging laman ng chikahan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa Showbiz Now Na! ang tungkol sa di pag bati ng mga anak ni Marjorie Barreto noong Father’s Day sa kanilang amang si Dennis Padilla.
 
Matatandaan na naglabas ng hinaing si Dennis patugkol sa hindi pagbati sa kanya ng mga anak nitong Father’s Day.

 
“Miss you both…You forgot to greet me last Sunday…hehe!! Love you…God bless you more.” Ang caption ng aktor sa larawan ng mga anak na kanyang binahagi sa Instagram




 
Kasunod ng pahaging ni Dennis ay naglabas naman ng mensahe si Leon para sa kanyang ama kung saan ay sinabi niya kung bakit hindi nila binati ang ama sa araw na iyon.

Samantala, naging laman din ng social media kamakailan ang magagandang anak ni Ruffa na kanyang pinayagang pumunta ng Istanbul, Turkey para makasama ang kanilang ama na si Yilmaz na hindi nila nakasama sa loob ng 15 taon. 
 
Dahil dito, naikumpara raw ng mga tao ang magkakapatid na sina Julia, Claudia, at Leon sa mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice.
 
Nagbakasyon sina Lorin at Venice sa Turkey upang makasama ang kanilang ama sa Father’s Day. *
 
Ayon pa sa isang host ng programa, 15 years din na hindi nagkita ang mga anak ni Ruffa at ang ama nito ngunit bakit sila ay bumabati naman kay Yilmaz.




 
"Hindi tinuruan ng anumang masakit o masamang salita sina Venice at Lorin na ang ama nyo at ganito, ang ama niyo ay ganyan... Pinanatili niya [Ruffa] ang pagiging ama ng kanyang ex sa kanyang mga anak, at ngayon nagkita-kita pa sa Istanbul." Sagot naman ni Cristy
 
“Si Marjorie kaya noong Father’s Day wala man lang paalala sa kanyang mga anak?” dagdag pa na tanong nito
 
"Siguro wala, kasi alam naman natin siya ang unang-unang galit kay Dennis Padilla," ang naisagot naman sa kanya ni Romel Chika 

 
Ngunit para naman kay Morly, bilang isa rin siyang ama, sana raw ay hindi na nilantad ni Dennis sa publiko kung may pagkukulang man sa kanya ang mga anak, dahli ang tunay na pagmamahal ay hindi naghahanap ng kapalit.
 
Gayunpaman, sa huli, sinabi ni Cristy na dapat ay may partisipasyon pa rin ang ina sa mga okasyon na dapat ay nakakaalala ang mga anak.