Madalas mang kinakatakutan at minsa'y pinandidirihan dahil sa pagtira at pagkalat-kalat sa mga lansangan, pinuri at pinabilib ang marami ng isang palaboy sa Thailand matapos niyang isauli ang napulot niyang Hermes wallet na pagmamay-ari ng isang mayamang negosyante.
Minaliit man at hinuhusgahan, pinatuyan ni Waralop, 44-years old, na wala sa pisikal na itsura o kalagayan ang paggawa ng mabuti sa kapwa.
Kwento ni Niity Pongkriangyos, ang negosyanteng may-ari ng nalaglag na wallet, tinanggap na umano niya na hindi mababalik ang kanyang gamit matapos niyang mapagalaman na ito ay nawala. Ngunit laking pasasalamat niya sa kabutihang loob na ipinamalas ng palaboy matapos nitong ibalik ang wallet na kumpleto ang pera at credit cards na laman nito.
Imbes na itakbo at gamitin ang ito upang ipambili ng pagkain, pinili ni Waralop na dalhin ang wallet sa pinakamalapit na estasyon ng pulis kaya natunton ang may-ari.
Dahil sa katapatan ng palaboy, napagdesisyunan ng negosyante na imbes na bigyan ito ng pabuya na nagkakahalaga ng 2000THB o halos tatlong libong piso, binigyan na lamang niya ito ng trabaho at bahay na matutuluyan.
Si Waralop ay makakatanggap ng sweldo kada-buwan kasama ang libreng pagtira sa tinutuluyan ng mga empleyado ng kumpanya.
Bukod pa dito, binilhan din siya ng asawa ng negosyante ng mga bagong damit at kagamitan dahil sa kanyang katapatang ipinamalas.
Hindi maitago ni Waralop ang kasiyan dahil sa mga biyayang hindi niya inasahang kanyang tatamasain dahil sa pagiging tapat at paggawa ng mabuti sa kapwa.
Mabuhay ka, Waralop!
Source: 1