Photo Credits: Agnes/Alver Tuto | Facebook |
Nitong nakaraan, inilibas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng Licensure Exam for Teachers (LET) kung saan 8,737 elementary teachers out at 12,074 na secondary teachers naman ang nakapasa.
Kauganay nito, isang nakakaintig na tagpo ang dumurog sa puso ng mga netizens kung saan mapapanood ang pagkonsuwelo ng isang ama sa kanyang umiiyak na anak na hindi pinalad makapasa sa naturang pagsusulit.Ang babae sa video ay si Agnes Tuto at ang nagpost nito ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Suzette Pacon mula sa Carmen, Agusan del Norte.
Likas na sa mga ama ang hindi pagpapakita ng kanilang kahinaan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. Marami sa kanila ay tahimik lang ngunit ramdam na ramdam mo pa din ang pagmamahal.
Ayon kay Agnes, naging emosyonal din ang kanyang ama na si Tatay Alver Tuto ngunit sa kabila nito ay pinili pa din nitong patatagin ang kanyang loob.
Dagdag pa niya, "Nagbigay siya ng advice sa akin na hindi mawalan ng pag-asa, may next time pa."
Ilang netizens naman ang talagang na-touch sa tagpong ito at nagbigay ng mga mensaheng tunay na nakakataba ng puso.
"I do not know you personally, but I just want you to keep in mind that more than any achievements, you are very blessed to have such wonderful and supportive family. You will be succesful and one day, you will look back, and all those tears will be worth it. You are blessed. Never stop achieving your goals. Your future students will be very proud of you. "
"I know a lot who did not pass at their first exam.... even my sibling didn't. But like us, we know and I know that one day, like my sibling makapasar raka... go go Inday Agnes... next time makuha Nana Nemo.. God bless you...God will grant you that..."
Pangako naman ni Agnes na hindi siya susuko sa kaniyang pangarap na maging isang ganap na guro.
PANOORIN ANG BUONG VIDEO: