Muling balikan, Ruffa and Yilmaz's modern fairytale love story: 'I asked where she lives, why she's here, what's here name' - The Daily Sentry


Muling balikan, Ruffa and Yilmaz's modern fairytale love story: 'I asked where she lives, why she's here, what's here name'




Larawan mula sa Cosmo at Google





Dahil marami pa rin ang kinikilig sa love story ng aktres na si Ruffa Gutierrez at ng kanyang dating asawa na Turkish businessman na si Yilmaz, muli nating balikan kung paano nga ba nag simula ang mala-fairytale na kwentong pag-ibig ng dalawa.


Sa isang panayam noong 2003 sa bagong kasal na sina Ruffa at Yilmaz sa Yes! magazine, binahagi ng dalawa ang una nilang pagkikita at paano ito mas lumalim pa.



Unang nagtagpo ang landas ng beauty queen at ng business tycoon na si Yilmaz noong taong May 11, 2000, sa Cannes France.

 

"I saw him at the restaurant,"  kwento ni Ruffa "He came into the bathroom and smiled at me..."

 
Para naman kay Yilmaz, "It was destiny. I swear to God I can't explain how she's coming to me. How are we starting to look at each other..."

 
Matapos daw ang kanilang maikling palitan ng tingin at ngiti, hindi nag-aksaya ng oras si Yilmaz at gumawa ng susunod na hakbang—alamin ang saan hotel tumutuloy ang magandang binibini.

 
"I asked where she's live, why she here, what she's name, what she's birthday..." kwento ni Yilmaz na noon ay hindi pa bihasa sa wikang Ingles. 

 
 "I paid the reception desk. You know, it's the festival, and it's very hard to book a hotel right away. But I said I want to stay in the room next to her, you know? And I stayed in the next room to Ruffa." Dagdag pa ni Yilmaz*


Larawan mula sa PEP (ctto)


 
Desidido ang Turkish businessman na makilala si Ruffa, kaya kinabukasan ay muli na namang nakipagkita si Yilmaz kay Ruffa. Sa pagkakataong ito, nagdala siya ng isang kaibigan na maaaring maging interpreter dahil hirap pa siyang magsalita ng Ingles noon

 
"We had coffee," sabi ni Ruffa "Every time I would ask him something, his friend would interpret. But he was doing sign language, you know. Then, he'd draw, 'tapos nakalagay, ‘I love you, can you be my girlfriend?' And I said, ‘My gosh, you're so fast.' He doesn't waste time."


 
Ayon pa kay Ruffa, napaka persistent ni Yilmaz, "The first fax that he ever wrote to me, pinasulat pa niya sa bellboy doon sa hotel."

 
Bukod sa mga sweet notes, binahagi din ng bagong kasal ang ilang mga nakakatawang sandali noong bago palang sila nagkakilala. *


Larawan mula sa Philstar (ctto)


 
"Hindi ko sinabi sa kanyang actress ako…sabi ko, 'I'm a secretary. ' He didn't really buy it. Pero two days lang naman ako nag-lie sa kanya. No'ng magustuhan ko na siya, I told him the truth." Kwento ng beauty queen

 
Hindi rin daw naniwala si Yilmaz nang ipagtapat ni Ruffa na siya ang naging Miss World Second Princess.

 
Sagot naman ni Yilmaz, “ I told her that I am Prince…but I don't care what's she's answering. Para lang akong nainlove."

 
Isang buwan lang ang nakalipas noon ay sumunod si Yilmaz kay Ruffa sa Pilipinas at di nag tagal ay si Ruffa naman ang pumunta sa homeland ng kasintahan sa Istanbul, Turkey.

 
Nagtaka pa daw noon si Ruffa kung bakit laging may paparazzi na nakasunod sa kanilang mga lakad: "My goodness, who is this guy? How come there's so many paparazzi following him?"*


Larawan mula sa PEP (ctto)


 
"Maybe he lied to me, that he's not a businessman. I was thinking that maybe he's a singer or an actor because he's always in the newspapers.

 
"Minsan dinala niya ako sa Bodrum. It's parang Boracay nila. Talagang sinusundan kami. Kasi, they're interested to know who he's dating." Dagdag pa ng aktres

 
Matapos ang ilang coast-to-coast date, nagbunga naman ang pagpupursige ni Yilmaz—sa wakas ay nahulog ang loob ng Filipina beauty queen sa lalaking taga-Istanbul. 

 
"Ang lakas ng dating…he has charisma. And he has this attitude that when he wants something, he sees to it that he gets it. He call's me twenty-five times a day to check on me. Long distance, ha? He's really very sweet." Kwento ni Ruffa

 
Inamin din ng dalawa noon na tulad ng ibang relasyon, dumaan din sila sa mga pag subok.

 
"Sinusubukan na naming maghiwalay, but we always find ourselves going back into each other's arms." Saad ni Ruffa


 
At iyon ang nagbunsod sa kanilang desisyon na magpakasal. Ang kasalang Ruffa at Yilmaz noon ang isa sa pinaka engrandeng kasalan sa industriya ng showbiz.


Sinabi rin ni Ruffa noon na hindi sila nagse-celebrate ng kanilang wedding anniversary, ayon kay Ruffa: "What we celebrate is the day we met, which was May 11 eight years ago during the Cannes Film Festival."