Netizens nawindang: Isang 19-anyos na lalaki, nagpropose sa kasintahang 76 taong-gulang na lola - The Daily Sentry


Netizens nawindang: Isang 19-anyos na lalaki, nagpropose sa kasintahang 76 taong-gulang na lola



Screenshot mula sa video na binahagi ni Giuseppe D'anna sa TikTok




Nag viral sa TikTok ang video ng wedding proposal ng isang binatilyo na 19 anyos lang sa kanyang kasintahan na 76 taong gulang na lola.

 
Buong pagmamalaki na ibinahagi ni Guisepoe D’Anna sa isang TikTok video ang kanyang ginawang paghahanda para hingin ang kamay ng kasintahang napakalaki ng agwat ng edad sa kanya.


 
Sa kanyang video ay makikita kung paano nag propose ng kasal ang 19 anyos na italyanong tiktoker sa kasintahang matanda.


Screenshot mula sa video na binahagi ni Giuseppe D'anna sa TikTok


 
Pinakita rin ang maganda at magarbong singsing pati na ang regalo ni Guisepoe sa kanyang mapapangasawa.

 
Sa kasalukuyan at milyun-milyon na ang nakapanood sa nasabing TikTok video na binahagi ni Guisepoe sa kanyang mga followers.


Screenshot mula sa video na binahagi ni Giuseppe D'anna sa TikTok



Dala ang dosenang balloons na hugis-puso ay lumuhod ang binatilyo sa harap ng kanyang kasintahan. *

 
At dahil sa napakalaking agwat ng edad ng magkasintahan ay naging tampulan ito sa TikTok, may mga namangha, mayroong hindi makapaniwala at hindi sang-ayon sa kanilang relasyon. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



Screenshot mula sa video na binahagi ni Giuseppe D'anna sa TikTok


 
“I say it’s better to keep these types of relationships private and not public,” 

 
“I think you guys took it a little too serious when you all said you like older girls!” *


 

Screenshot mula sa video na binahagi ni Giuseppe D'anna sa TikTok



“that could be her great grandchild”

 
Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin ang binatilyo sa pagbabahagi ng kanilang mga larawan at video sa TikTok.