Alamin ang buhay ngayon ng dating T.G.I.S actor na si Dino Guevarra - The Daily Sentry


Alamin ang buhay ngayon ng dating T.G.I.S actor na si Dino Guevarra



Dekada 90’s ang panahon kung saan maraming nagpakilig at nagpahangang aktor sa mga kababaihan noon. Ito ang taon kung saan maraming naglabasan na artista na siyang iniidolo ng ating mga tita at mga magulang ngayon.
Dino Guevarra / Photo credit to the owner

Marami sa kanila ang hanggang sa ngayon ay nasa mundo pa rin ng showbiz. Ngunit mayroon din namang mas piniling lumayo sa harap ng camera.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang ating paghanga sa kanila at umaasang muli nating masisilayan ang kanilang galing sa pag arte at mapanood sa telebisyon.

Isa sa mga talagang nagpakilig sa mga kababaihan noon ay ang dancer at aktor na si Dino Guevarra.
Dino Guevarra / Photo credit to the owner
Dino Guevarra / Photo credit to the owner

Tahimik at napabalitang maganda ang takbo ng buhay ni Dino ngayon matapos lisanin ang showbiz.

Si Dino ay sumikat noong 90s at napabilang sa iba’t ibang sikat na programa katulad ng TGIS kung saan kasama niya ang mga bigating artista katulad nina Angelu De Leon, Michael Flores, Bobby Andrews, Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, Polo Ravales, Anne Curtis, Diether Ocampo at marami pang iba.

Ang dating ka-loveteam noon ni Dino ay si Kim Delos Santos.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Marami ang talagang kinilig sa tambalan nina Dino at Kim noon na nauwi pa sa kasalan. Ngunit katulad ng ibang mga artista, hindi nagtagal ang kanilang pagsasama at naghiwalay noong 2003.

Noong 2008 ay nag-file ng annulment si Dino at agad na naapprubahan noong 2010.

Matapos ang kanilang paghihiwalay, muling bumalik sa showbiz si Dino at sumali sa reality TV Show na “30 days.” 
Dino Guevarra / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nanalo si Dino sa patimpalak na ito at nabigyan ng pagkakataon na muling sumabak sa pag-aartista. Ngunit hindi rin nagtagal ang career niya at muling nilisan ang industriya.

Matapos ang kanilang hiwalayan ni Kim ay muling nakatagpo ng pagmamahal si Dino sa kanyang kasintahan na si Monica De Leon. Nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na sina Ethan at Miguel.

Hindi nagtagal ang pagsasama nina Dino at Monica at naghiwalay din ang dalawa.

Sa ngayon ay tahimik na namumuhay si Dino kasama ang kanyang non-showbiz partner na si Karen Gabriel at ang dalawang anak na sina Joaquin at Annika.


***