Annabelle Rama, naubos ang ipon noon dahil sa paniniwala niya sa mga manghuhula at gayuma! - The Daily Sentry


Annabelle Rama, naubos ang ipon noon dahil sa paniniwala niya sa mga manghuhula at gayuma!



Inamin ng Cebuanang talent manager na si Annabelle Rama na naubos raw noon ang ipon nito dahil sa paniniwala sa mga manghuhula at gayuma.

Sa isang segment ng noontime show na It's Showtime, naging topic sa question and answer portion ang paggamit ng gayuma, kung ito raw ba ay dapat gamitin sakaling mabigyan ng pagkakataon.




Eksakto naman at tila inaabangan ni Tita Annabelle na mapagusapan ang tungkol dito dahil may gusto siyang sabihin at ipayo sa mga mahilig o naniniwala sa mga ito.

Peke raw ito at ito raw ang umubos sa ipon niya noon. "Tungkol naman sa gayuma, lahat nakikinig sa'tin ngayon nanonood ngayon 'wag kayo maniwala sa gayuma fake 'yan! Diyan naubos ang ipon ko, lahat!" Ani Annabelle.

Annabelle Rama, Eddie Gutierrez | Facebook

Annabelle Rama, Eddie Gutierrez | Facebook


Patay na patay raw siya noon sa kanyang asawang si Eddie Gutierrez kaya sa tuwing nagpupunta ito sa noo'y aktres pa na si Annabelle ay ginagayuma niya raw si Eddie.

Lahat daw halos ng probinsya ay nalibot na niya pero bigo itong makahanap ng mabisang gayuma.

Ngunit hindi man ito nagtagumpay, after 10 years ay na-inlove naman daw sa kanya si Tito Eddie. 'Yun ay dahil sa kanyang pagdarasal at pagpapakita ng wagas na pagmamahal niya rito.

Annabelle Rama, Eddie Gutierrez | Facebook

Annabelle Rama, Eddie Gutierrez | Facebook


Huwag daw maniwala sa mga gayuma at hula sabi ni Tita Annabelle, bagkus ay ipakita natin ang pagmamahal, pagsilbihan, alagaan natin ang ating mga sinisinta at higit sa lahat ay ipagluto ito ng masasarap na pagkain.

Dahil para sa kanya, "Ang lalaki kapag magaling kang magluto, lalo kang mamahalin"

Mabuti raw at na-open ang ganitong usapin, pero sana raw ay 'wag magalit sa kanya ang mga manghuhula.

Si Annabelle Rama at Eddie Gutirrez ay ikinasal noong Nobyembre 8, 1980 sa Los Angeles.

Annabelle Rama, Eddie Gutierrez | Facebook

Annabelle Rama, Eddie Gutierrez | Facebook