Dating asawa ni Willie Revillame at ang nag-iisang anak nilang lalaki na tagapagmana - The Daily Sentry


Dating asawa ni Willie Revillame at ang nag-iisang anak nilang lalaki na tagapagmana



 

Larawan mula sa Showbiz

Si Wilfredo Buendia Revillame ay nakilala sa showbiz bilang si Willie Revillame o kilala sa tawag na "Kuya Wil" ay isang Filipino television host, singer, song writer, businessman, actor at comedian.


Si Willie ay ipinanganak noong ika-27 ng Enero taong 1961 sa tahimik na probinsya ng Nueva Ecija.

Ayon sa kwento, ang kanyang ama umano ay may kaya sa buhay at mahirap naman ang kanyang ina na naghiwalay rin sa kalaunan.

"Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa." kwento ni Willie.
Larawan mula sa Philstar

Larawan mula sa Philstar

Dahil dito ay natuto magbanat ng buto si Willie, at sa murang edad ay natuto siyang magtinda ng dyaryo at maging barker.

“Di ko nakakalimutan ‘yung Bustamante street. Barker ng jeep. Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng jeep. Naglilinis ako ng jeep ‘yung krudo. Alam mo ‘yung lagayan ng mga langis, may basahan ako. Bibili ka sa palengke, ku-kruduhan mo ‘yung jeep.”


Hindi nagtagal ay nagpursigi si Willie hanggang madiskubre siya para pasukin ang mundo ng showbiz at ito na ang naging simula ng kanyang career.


Matatandaan din na ikinasal si Willie kay Liz Almoro sa isang civil rite sa Batangas noong taong 2005 ngunit tatlong taon lamang ang itinagal ng kanilang relasyon dahil naghiwalay din ang mga ito noong 2008.
Larawan mula sa PEP

Larawan mula sa PEP

Hindi man pinalad na magtagal ang kanilang pag-iibigan ngunit nagkaroon naman sila ng isang maswerteng anak na lalaki na si Juamee Revillame.

Si Willie ay may apat na anak at matatandaan na ang kanyang panganay na babae na si Mary Rosalind Soriano Revillame o kilala bilang si Meryll Soriano ay pinasok na rin ang mundo ng showbiz.

Larawan mula sa PEP

Dati na rin niyang ipinakilala ang dalawa pa niyang anak na babae sina Louise Anne, at Marimonte ngunit ang hindi naman alam ng karamihan ay mayroon pala siyang anak na lalaki na si Juamee Revillame.


Marami naman ang nagulat ng ipinakilala ni Willie sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng “Wowowin".


Larawan mula sa Famous

Matatandaan na may mga ilang babae na dumating sa kanyang buhay ngunit tila wala pa rin napapabalitang kanyang magiging kasama sa kanyang pagtanda.


Larawan mula sa Famous

Larawan mula sa Famous

Ayon kay Willie, siniguro na umano niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na ang mga bagay na kakailanganin nila sa kanilang future.


***