Miss Manila na si Alexandria kay Harlene Budol: "Hindi siya qualified sa mga beauty contest" - The Daily Sentry


Miss Manila na si Alexandria kay Harlene Budol: "Hindi siya qualified sa mga beauty contest"



 

Larawan mula sa Showbiz

Si Herlene Nicole Policarpio Budol a.k.a. "Hipon Girl", ay isang komedyante, actres, host ng variety show na Wowowin na pinangungunahan ni Willie Revillame.


Nagsimula ang buhay showbiz ni Harlene ng sumali siya sa isang segment ng Wowowin na "Willie of Fortune" at dahil sa kanyang sense of humor, talento at pagpapatawa ay naging regular siya sa nasabing show.


Dahil sa ipinagkaloob ni Willie na trabaho sa kanya ay malaki ang nabago sa kanyang buhay, unti-unting naging natiwasay at sunod-sunod ang mga opurtunidad na dumating sa kanyang buhay.

Larawan mula sa Showbiz

Larawan mula sa Showbiz

Naging tanyag umano sa palayaw na ‘Hipon Girl’ si Harlene dahil marami ang nagsasabi na mas maganda daw ang kanyang katawan kaysa sa kanyang mukha.


Nito lamang naganap na Binibining Pilipinas 2022 ay marami ang natuwa sa naging resulta ng paligsahan dahil hindi binigo ni Herlene Nicole Budol o sumikat sa bansag na "Hipon Girl" ang kanyang mga fans para humakot ng awards sa nasabing contest.

Larawan mula sa Yahoo News

Larawan mula sa Yahoo News

Sa ikalawang award ng special awards ay nasungit kaagad ni Harlene ang anim sa mga ito ganun din ang awards na Manila Bulletin Reader's Choice Award.


Hindi lingid sa ating kaalaman na isa si Harlene sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2022 ang mayronng pinakamaraming tagasuporta dahil sa kanyang natural at walang kaarte-arteng pananalita.


Dahil sa naabot na ito Harlene ay tila pinatunayan niya sa lahat ng tao ang kaya nitong gawin at ipamukha niya kay Miss Manila na si Alexandria Abdon na qualified siya sa mga paligsahan katulad ng beauty contest na ito.


Matatandaan kasi na sinabi dati ni Miss Manila na kahit na saang beauty pageant pa na salihan ni Harlenr ay hindi siya qualified.

Larawan mula sa Showbiz

Larawan mula sa Showbiz

"Kahit magpapa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified. Yung standards ng qualification medyo tagilid." ayon kay Miss Manila.


Dahil dito ay naging negatibo ang imahe ni Miss Manila sa mga tao dahil sa mga panlalait umano nito kay Harlene.


Kung sa iba ay tila nakakapanghina ang sinabing ito ni Miss Manila, hindi naman ito naging dahilan para kay Harlene na panghinaan ng loob sa halip ay ginawa pa niya itong dahilan upang lalong lumakas at lumaban sa buhay.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Larawan mula sa Manila Bulletin

Lubos ngang kahanga-hanga ang ipinamalas na ito ni Harlene, tila isa siya sa magiging inspirasyon ng ating mga kababayan na walang imposible sa buhay dahil hanggat nabubuhay tayo ay patuloy lang lumaban sa buhay at walang dapat ikahiya kung wala naman inaagrabyadong ibang tao.

***