CELLPHONE sa bulsa ni Archie Alemania sa pelikulang HENERAL LUNA, usap-usapan sa social media - The Daily Sentry


CELLPHONE sa bulsa ni Archie Alemania sa pelikulang HENERAL LUNA, usap-usapan sa social media



 

Larawan mula sa Facebook

Ang heneral luna ay isang pelikula sa telebisyon na naglalahad sa kwento ni Heneral Antonio Luna.


Ginawa ang pelikulang ito upang ipakita sa taong bayan kung paano namuno si Heneral Luna sa Pilipinas noong mga panahong may hidwaan ang mga Pilipino at Amerikano.


Taong 2015 pa noong ipinalabas sa telebisyon ang Heneral Luna kung saan ay pinagbidahan ito ng isang batikang aktor na si John Arcilla.

Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook

Gayunpaman, nito lamang nakaraan ay isang netizen na nagngangalang si Rainier De Jesus ang muling sinariwa at pinanuod ang pelikulang Heneral Luna at sa hindi inaasahan ay naobserbahan niya at mayroon siyang napansin na nakalagay sa may bandang bulsa ng isang aktor na si Archie Alemania na gumanap bilang si Eduardo Rusca.

Larawan mula kay Rainier De Jesus

Larawan mula kay Rainier De Jesus

“Matagal na napalabas ang Heneral Luna (2015) pero pinanood ko ulit. Ngayon ko lang napansin na isa sa mga aktor na si Archie Alemania (nakaputing polo) bilang Eduardo Rusca, may (parang cellphone) sa kaniyang bulsa. #cellphonesabulsa,” aniya. 


Ayon sa post ni Rainer, maging sa ibang eksena ng pelikula ay makikita rin ang tila cellphone sa bulsa ni Archie. 


Hindi umano siya sigurado kung cellphone ito, subalit awkward lang daw kasi tingnan lalo’t wala pa namang cellphone noong panahong iyon. 

Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook


***


Source: Facebook (Balita)