Cristy Fermin may bwelta kay Kris: "Walang atraso sa akin ang mga anak mo. Pero ikaw pa minsan minsan meron" - The Daily Sentry


Cristy Fermin may bwelta kay Kris: "Walang atraso sa akin ang mga anak mo. Pero ikaw pa minsan minsan meron"



Larawan mula sa Instagram ni @krisaquino at Showbiz Trending



Kamakailan lang ay nagpahayag ng kanyang saloobin at sentimyento ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin tungkol sa umano’y text message na natanggap niya mula sa aktres at TV host na si Kris Aquino.
 
Sa YouTube program ni Cristy na ‘Showbiz Now Na!’ kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, napag-usapan nila ang tungkol sa mga text message na natanggap umano ni Cristy mula kay Kris.

 
Kinumpirma din umano ng talent manager na si Dolor Guevarra na number nga ni Kris ang numero nang tanungin ito ng kolumnista.
 
Base sa mensaheng ipinakita sa nasabing programa, nag-react si Kris sa pinagsama-samang video ng mga pahayag ni Cristy tungkol sa kanya-kanyang ama ng mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby.
 
Nakiusap din daw si Kris na huwag idamay ang kanyang mga anak.
 
Dahil dito ay hindi rin napigilan ni Cristy na sumagot at magbigay ng kanyang saloobin sa mga sinabi ng aktres kamakailan na ikinasama ng damdamin ng beteranang kolumnista.
 
“Sa maraming pagkakataon, alam mo 'to Kris, hindi kasi ako mahilig manumbat. Sa dami ng giyerang pinasukan mo sa karera't buhay mo, ako 'yung unang-unang sumasalag ng bala na tatama sa'yo,” ayon pa kay kay Cristy*


Larawan ni Kris mula sa PUSH - ABS CBN


 
“Pero ako rin ang pinakamatapang mong sundalo na hindi kumakampi sa'yo kapag mali ang mga ginagawa mo at alam mo 'yan. Gaya nito, nanahan ka du'n sa mga video na pinaghalo-halo at nag-summarize ng mga sinabi ko. Kaya mo naman pala ako i-text ng ganyang kahaba. Ba't hindi ka na lang nag-text sa akin para malaman mo kung totoo, na ano ang motibo ko at kung ginawa 'yon para makasakit sa'yo?” aniya
 
Sinabi din ng Cristy na nakaramdam siya ng awa kay Kris habang binabasa niya ang text message nito.
 
“Alam mo, habang binabasa ko 'yung text mo, naaawa ako sa'yo. Awang-awang-awa ako sa'yo. Isipin mo, nakalugmok ka na, may sakit ka na, pinapaniwala mo na kami at ang buong sambayanan na napakatindi ng sakit mo na kinailangan kang dalhin sa Houston dahil sabi mo, 'Time is my enemy.' 


Larawan mula sa Instagram ni @krisaquino


 
Nagpribadong eroplano ka na para lang makahabol sa gamutan sa Houston. Pero ano ang ginawa mo, sa isang napakaliit na bagay na hindi mo pa sigurado kung tama ka, hinusgahan mo na ako.” *


“Walang atraso saakin ang mga anak mo. Pero ikaw pa minsan minsan meron. Pero pusong ina ako. Minsan isang panahon, anak kita at nanay mo ako. Minsan isang panahon, may maganda kang ginawa saakin. Minsan isang panahon binigyan mo ako ng importansya. Hindi ko yun malilimutan Kris Aquino.
 
Kung paanong hinusgahan mo ako ngayon, kung paanong sinabi mo na huwag na huwag kong bibirahin ang mga anak mo at ikaw nalang… Sa puso ko, mahal ko si Kris, pinag darasal ko siya palagi… Mas mahaba pa yung panalangin ko kay Kris at kay Josh at Bimby.”
dagdag ng kolumista
 
“Dahil naniniwala ako dun sa mga pinopost niya. Pinaliliwalaan ko na parang ito na yun, parang ito na talaga ang huling biyahe ng kanyang buhay. Pero ngayon, nagdadalawang isip ako. Sa ganitong kaliit na bagay, tungkol sa mga ama ng mga anak mo nagawa mo akong sulatan, nagawa mo akong husgahan at pag bintangan samantalang lugmok ka na sa pagkakasakit ayon sayo.
 
Paano mo ako ngayon na dapat kitang paniwalaan dahil sa mga pino-post mo. Nakakalungkot…”
anito

 
Inamin ni din Cristy na siya ay nasaktan sa mga akusasyon ng aktres sa kanya.
 
“Ang sakit-sakit 'yung, 'Bakit, ano bang atraso ng mga anak ko sa'yo?' Andu'n kaagad 'yung matining na paghusga. Na kung may atraso ay ginaganito ko, sinisiraan ko. Wala po kaming siniraan na anak ni Kris Aquino,” dagdag ni Cristy