Ilang minutong delay sa pag-announce ng Bb. Pilipinas International 2022 winner binalot ng kontrobersya, may pagkakamali nga ba? - The Daily Sentry


Ilang minutong delay sa pag-announce ng Bb. Pilipinas International 2022 winner binalot ng kontrobersya, may pagkakamali nga ba?



Mainit na isyu at usap-usapan ngayon sa social media ang ilang minutong pagkabitin ng pag-anunsyo ng Binibining Pilipinas International 2022, sa katatapos lamang na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, Hulyo 31.
Photo credit to the owner

Halatang-halata na mayroon mali sa pag-anunsyo dahil nilapitan ng ilang mga staff ng beauty pageant ang mga hosts na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves.

Malinaw rin na mayroong mali dahil makikita sa reaksyon nina Catriona at Nicole ang pagkagulat, pagkabahala, pagkalito, at ang paghinga nang maluwag sa kalaunan.

Si Nicole Borromeo ng Cebu City ang itinanghal na Bb. Pilipinas-International 2022, pero naniniwala ang ilang netizens na nagkaroon ng problema dahil sa nangyaring pagka-delay ng anunsyo.
Bb. Pilipinas-International 2022 Nicole Borromeo / Photo credit to the owner
Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano / Photo credit to the owner

Anila, si Gabrielle Basiano ng Borongan, Samar ang totoong nanalong Bb. Pilipinas-International 2022.

Hindi lamang mga netizens ang nakapansin sa saglit na pagkatigil sa pag-anunsyo, maging ang mga nanonood na celebrity ay napakomento tulad Vice Ganda.

“May very wrong! #BinibiningPilipinas,” tweet ni Meme.

“Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls! #BinibiningPilipinas,” pahabol pa ni Vice.



Maging si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ay napakomento rin.

“Kinabahan akizzzz akala ko Steve Harvey moment. Pero bulaga si Cebu but Cebu is a powerhouse so there you go. Congratulations to our new queens #BinibiningPilipinas2022,” aniya.

Kinlaro naman ni MJ na batay sa kaniyang pagtatanong-tanong, wala raw talagang pagkakamali sa announcement of winners.

Walang cheka mga acclacoz according to the BPCI correct ang results. Nalito lang daw sa floor hence the pause. Osha sha tulog na mga maritess!!!! #BinibiningPilipinas2022,” aniya.


Dahil dito ay nagtrending nanaman sa Twitter ang pangalan ng Miss Universe host na si Steve Harvey dahil mukhang may maling pangyayari sa pag-anunsyo ng mga nagwagi, kagaya ng nangyari sa Miss Universe 2015, kung saan ang tunay na nagwagi ay si Miss Universe Philippines Pia Alonzo Wurtzbach.
Photo credit to the owner

Marami sa mga nakapanood ang naniniwalang may pagkakamali na nangyari kaya humihingi sila ng paliwanag mula sa pamunuan ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang organizer ng beauty pageant.

Samantala, sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag ang pamunuan ng Binibining Pilipinas kaugnay ng isyung ito.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: Balita