No Award? No problem! 'Cash Sash' Galing kay Nanay sa Graduation ang Answer! - The Daily Sentry


No Award? No problem! 'Cash Sash' Galing kay Nanay sa Graduation ang Answer!



Photo credit to Fidel II R. Gahum | Facebook

Sa kabila ng pagsubok ng panahon, sadyang nakakatuwang makita ang mga mag-aaral na nagtyatyaga at patuloy na nagsusumikap upang magkaroon ng magandang edukasyon at makatapos ng pag-aaral.

Dagdagan pa ng awards at medals ay talaga namang bonus para sa mga magulang ang tagumpay at karangalan ng kanilang anak. Ngunit may award man o wala ay kahanga-hanga pa rin ang bawat estudyante sa kanilang pagtatapos at sino mang magulang malamang ay proud sa kanilang mga anak sa pagkakataong ito.

Kaya naman isang pamilya ang nagtrending online kamakailan dahil sa kakaibang award na inihandog ng ina sa kanyang graduate na anak.


Ang istoryang ito ay ibinahagi sa social media ni Fidel Gahum, kapatid ng nagtapos na senior high school na si Rudel, sa Potungan National High School, Zamboanga del Norte.

Photo credit to Fidel II R. Gahum | Facebook

Lubhang nagpaantig sa puso ng netizens ang viral video na kanyang inupload kung saan makikitang inabangan ng kanilang ina ang pag-martsa ng kanyang kapatid, sabay sinalubong ito at sinabitan ng 'Cash Sash', bilang parangal sa pagtatapos nito.

Photo credit to Fidel II R. Gahum | Facebook


Ayon sa kanilang ina na si Susan, wala kasing award na natanggap ang kanyang anak sa graduation nito kaya naisipan niya na gumawa na lamang ng cash sash bilang regalo sa anak.

Maaaring ito raw kasi ang maging daan upang mabigyan ng motibasyon ang anak na mas pagbutihin pa ang pag-aaral sa kolehiyo.

Kaya naman sa araw ng pagtatapos ng kanyang bunsong si Rudel ay buong puso niyang ipinagmamalaki ang anak kahit wala man itong natamong award o parangal. 

Photo credit to Fidel II R. Gahum | Facebook

Photo credit to Fidel II R. Gahum | Facebook

Ipinakita niya sa buong paaralan ang kanyang pagiging proud mom sabay sabit sa leeg ang kanyang sariling 'award' para dito. Sapat na raw para sa kanya ang diploma nito.


At yun nga, hindi lang ang paaralan ang naka witness ng kanyang regalo para sa anak, kundi buong bansa rin, dahil sa navideo ito ng kanyang panganay at ibinahagi sa social media.

Saad ni Fidel na nagupload ng video, “Walang award kasi kahit isa yung kapatid ko sa graduation niya kaya naisip ‘yun ni Mama para na rin mas magsumikap pa siya sa kaniyang pag-aaral po,”

Photo credit to Fidel II R. Gahum | Facebook

Dagdag rin ni Susan, “Ang wish ko po sa anak ko ay magsumikap lang po siya sa kaniyang pag-aaral kahit mahirap lang po kami upang siya ay makatapos sa kolehiyo at magkaroon ng magandang trabaho at makamit niya ang kaniyang mga gusto sa buhay.”

“Kahit wala man siyang makuhang anumang award, mahal na mahal ko pa rin siya dahil anak ko siya at sapat na sa akin ang may makuha siyang diploma,” proud na pahayag niya.



Source:  Balita