Sharon Cuneta, naglakas loob na tumaya sa Lotto: 'for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers!' - The Daily Sentry


Sharon Cuneta, naglakas loob na tumaya sa Lotto: 'for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers!'







Nagbigay ng update sa kanyang kalusugan si Megastar Sharon Cuneta matapos ang kanyang pagkakasakit habang siya ay nasa US.
 
Dahil nagkasakit ay naiwan pa ang team ng aktres sa Amerika. Matatandaan na si Sharon ay nagtungo sa Amerika para sa “ICONIC” concert tour niya at ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

 
Sinabi ng Megastar sa kanyang naunang post sa Instagram na nauna nang umuwi ng bansa si Regine dahil hindi pa daw niya kayang bumiyahe dahil siya ay “sick and baldado”, ayon sa kanyang post.
 
Dahil sa sobrang busy daw para sa concert ay bumigay na rin ang kanyang katawan.


Larawan mula sa Instagram post ni @reallysharoncuneta

 
“My Nana (tawag niya sa Songbird) is flying back to Manila ahead of me. And because I’ve been sick and baldado (haven’t gotten out of bed since we arrived in L.A. July 25) – bumigay na rin my body – we haven’t really had the chance to go out and just relax together.

“I miss her and will miss her so much more when she leaves… I love you, my Nana,” ayon pa sa post ni Sharon
 
Matapos ang ilang araw simula nang magkasakit sa Amerika ay nagbigay ng update si Shawie. *
 
Sa kanyang update tungkol sa kanyang kalusugan, binalita ng aktres na hindi pa rin daw 100% na bunabalik ang kanyang lakas ngunit sa wakas ay nakalabas na sya ng hotel kasama ang kanyang mga staff.
 
“The other night was my first time out since I got sick. Megateam and I had dinner at one of my favorite restaurants, Gyu-kaku, then watched Top Gun Maverick in the theater!” kwento ni Shawie
 
“I was missing Nana (Regine) the whole time because we had planned on doing these two things together (I wanted to take her to Gyu-kaku talaga and we kept talking about watching Top Gun Mav!) but she had flown home na the night before.
 
“Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice,” ayon pa kay Mega
 
At sa kauna-unahang pagkakataon daw ay na experience ni Sharon na pumunta sa lotto outlet at pumili ng numero.
 
“And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers!" excited na pahayag ng aktres


Hindi na binanggit ni Sharon ang mga numero na kanyang pinili. Sa US ay mayroong dalawang kilalang lotto draw, ang Mega Millions at Powerball.