Herlene "Hipon" Nicole Budol, hinakot ang special awards! Wagi pa bilang 1st Runner Up sa Binibining Pilipinas. - The Daily Sentry


Herlene "Hipon" Nicole Budol, hinakot ang special awards! Wagi pa bilang 1st Runner Up sa Binibining Pilipinas.



Iba talaga ang karisma ng mga 'underdog' sa ating mga Pinoy. Sila 'yung mga dehado sa mga paligsahan pero kinakikitaan ng positibong pananaw na kahit gaano pa ito maliitin ng iilan ay hindi pa rin nagpapatinag sa laban.

Ito ang ugaling ipinakita ng dating komedyanteng host ng Wowowin na si Herlene Nicole Budol.




Hindi magkamayaw ang mga fans at supporters ng nag-iisang 'hipon' sa kompetisyon ng tanghalin itong 1st Runner Up sa grand coronation night ng Binibining PIlipinas 2022.

Halos mabingi ang buong Araneta Coliseum kapag rumarampa sa gitna ng enteblado ang komdeyanang kandidata.

Walang tigil na sigawan at palakpak ang tinatanggap ni Herlene sa tuwing tatawagin ang kaniyang pangalan bilang wagi sa mga special awards.

Binibining Pilipinas | Facebook

Binibining Pilipinas | Facebook


Halos hinakot nito lahat ng mga natatanging parangal sa patimpalak gaya ng Bb. Shein, Bb. Pizza Hut, Jag Queen, Binibining Silka, Bb. Kumu at Bb. World Balance.

Kita rin namang napahanga nito ang mga judges kagabi, dahil sa mahusay na pagkakasagot nito sa pinaka aabangang Question and Answer portion.

Sigawan at palakpakan ang nakuha ni Hipon mula sa mga hurado matapos nitong sagutin ang katanungan ng judge na si Cecilio Asunscion.

Binibining Pilipinas | Facebook

Binibining Pilipinas | Facebook


Bago pa man sagutin ng 22-anyos Binibining #8 ang katanungang, "What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?"

Ay malugod na inalok at isinalin ito ng hurado sa wikang tagalog para na rin sa ilang mga manonood.

Bakas sa mukha ng handler ni Herlene na si Wilbert Tolentino ang kaba habang naka-salang sa Q and A ang kanyang alaga.

Binibining Pilipinas | Facebook

Binibining Pilipinas | Facebook


Sa muling pagkakataon, narito ang kanyang naging tugon:

"Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap pa lang mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I’m uniquely beautiful with a mission."

Binibining Pilipinas | Facebook

Binibining Pilipinas | Facebook