Aktres na si Kat Alano, nag-tweet sa gitna ng utos ng Court of Appeals na kasuhan si Vhong Navarro - The Daily Sentry


Aktres na si Kat Alano, nag-tweet sa gitna ng utos ng Court of Appeals na kasuhan si Vhong Navarro



Nag-tweet ang dating aktres na si Kat Alano matapos ipag-utos ng Court of Appeals (CA) sa Taguig Prosecutor's Office na sampahan ng kasong r@p3 at acts of lascivi0usn3ss ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro.
Kat Alano ang Vhong Navarro / Photo credit to the owner

Sa kanyang tweet, nagsalita si Kat tungkol sa “accountability” na dapat ay hinaharap ng mga tao.

“We seem to go from wrong doing to forgiveness right away. We forgot about ‘Accountability.’ We really need to hold people accountable for their actions,” sabi ni Alano.
Screengrab @katalano

Matatandaan na nag-viral noon sa social media si Kat at Vhong dahil sa post ng aktres sa diumano’y sikat na personalidad na nagsamantala sa kanya.
Kat Alano / Photo credit to the owner

Taong 2020 ay ibinahagi ni Kat ang diumano’y pananamantala sa kanya ng isang personalidad na itinago niya sa alyas na #RhymesWithWrong o ang ibig sabihin ay katunog ng salitang ‘wrong’ ang pangalan ng nagsamantala sa kanya.

Screengrab @katalano

Ipinaliwanag niya rin na hindi na siya nagsampa pa ng kaso laban kay #RhymesWithWrong dahil sa makapangyarihan diumano ang mga kamag-anak nito.

“BTW, for everyone asking why I never filed.His uncle made sure that all cases against him would be dismissed.I found this out first hand.Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing.” saad niya.
Screengrab @katalano

Matatandaan na inakusahan noon si dating Department of Justice (DOJ) Sen. Leila de Lima ng pagbibigay ng special treatment kay Vhong.

Pinuna naman ngayon ng CA na nagkamali ang DOJ noon sa pagbabasura ng kaso ni Vhong.

“It was erroneous for the DOJ to deny Cornejo’s petition for review on the ground that her statements in the complaint-affidavits are inconsistent and incredible. In this regard, it bears to stress that the determination of probable cause does not depend on the validity or merits of a party’s accusation or defense or on the admissibility or veracity of testimonies presented.” sabi sa desisyon ng CA.
Vhong Navarro / Photo credit to the owner
Vhong Navarro and Deniece Cornejo / Photo credit to the owner

Samantala, hindi naman nababahala ang kampo ni Vhong sa kautusan ng Court of Appeals. 

Ayon sa pahayag na ipinadala ng abogada ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga sa TV Patrol noong Lunes, August 1, sinabi nilang hindi pa pinal ang desisyon ng CA.

Maghahain daw sila ng motion for reconsideration sa korte upang baligtarin ang nasabing desisyon.
Vhong Navarro and Deniece Cornejo / Photo credit to the owner
Vhong Navarro and Deniece Cornejo / Photo credit to the owner

Bukod pa rito, gagamitin din ni Vhong ang lahat ng naaayon sa batas kaugnay sa kasong ito.

“The decision is not yet final as Vhong Navarro will ask the Court of Appeals to reconsider the same,” pahayag ni Atty. Mallonga.

He will exercise all the other rights and remedies that are available to him under the law,” dagdag nito.


***